Jepoy at Genesis: Madaya si Fairy Godmother

Ang akdang ito ay galing sa isang dosenang monologo na sinulat ko noon pang 2012. Nai-post ko na rin dito sa aking blog ang tatlo sa labindalawa: Tatlong Pirasong Pan de Regla at Paanong ang Pagbabagong Morpoponemiko ay Tulad ng Pag-ibig.

Sa mga naghahanap ng fairy tale, para sa inyo ito.

MGA TAUHAN
JEPOY
GENESIS

GENESIS

‘Tang ina naman ‘tong si Jepoy eh! Tawag nang tawag! Pa’no mo ba papaintindi sa bading na tigilan na ‘ko? (magta-type sa cellphone) Wiz na akes natutuwa sa fez mo. Get lost valdez bago kita majombag. Inchendes? ‘Tang inang yan. Kahit kailan, salot sila sa buhay. (magda-dial) Hello, princess? Papunta na ko. Oo naman. Basta ikaw, nanginginig pa. Ssh, ‘di mo kelangan mag-sorry, naiintindihan ko. Yes, my princess. Alam ko. I miss you, I miss you, sobra. I love you too. See you in a while. (ibababa ang cellphone) Ang sarap! Alam mo yung pakiramdam kapag naagaw sa’yo yung bolang antagal-tagal mong dinidribol, na nung ida-drive mo na sana sa ring, may nakatapik pa— pero dahil magaling ka talaga, nahabol mo yung ungas na kalaban at nakuha mo ulit yung bola. Pagtira mo, shoot! Three points! Ganun. Ganun ang pakiramdam ng babalikan ka ng ex mo.

Si Jelai ang pinakamatagal kong girlfriend. Five years. May mga time out paminsan-minsan, pero we always try to work it out. Sa lahat ng naging syota ko, si Jelai lang ang hindi ko binola at hindi ko pinaglaruan. Siya ang ideal syota, ang standard. Kaya kahit ang hirap-hirap n’yang ligawan, ‘di ako sumuko. Araw-araw, dinadalhan o pinapadalhan ko siya ng gerbera. Yun kasi ang paborito niyang bulaklak. Lahat ng play na sinalihan niya at gusto niyang panoorin, pinuntahan ko kasi yun daw ang passion niya. Lahat ginawa ko to make her feel like a princess. Yun daw kasi ang gusto ni Jelai, ang maramdaman niya na isa siyang prinsesa, sabi ng kakambal niyang si Jepoy. Kaya sa lahat ng gimik ko nung nanliligaw pa lang hanggang sa mga monthsary at anniversary namin, kasangga ko lagi si Jepoy. Super okay naman kasi kami nun. Kumbaga siya pa ang naging coach ko para maipanalo si Jelai. Lahat ng moves, kelangan aprubado niya. Kung kelan le-lay up, kung kelan malapit nang ma-eight seconds violation, o kung kelan travelling na ang mga hirit ko. Kahit bading yun, andami pa ring alam sa panliligaw. Siguro dahil alam niya at pareho sila ng gusto ng kambal n’ya. Kaya pati nung brineyk ako ni Jelai, siya pa rin ang suporta ko.

‘Tang ina. ‘Kala ko end of the world na nung sabihin sa’kin ni Jelai na gameover na. Ilang ulit akong nagmakaawa sa kanya na bigyan ako ng second chance pero walang ng nagawa yung mga gerbera ko. May iba na pala siyang paboritong bulaklak. ‘Tang ina lang talaga. Halos murahin ko lahat dahil hiniwalayan ako ng prinsesa ‘pagkatapos naming bumuo ng palasyo. Haha! Galit na galit din nun sa’kin ang frat at ang varsity dahil hindi ako nagpapakita. Mas gusto kong mag-lasing at magmukmok na parang batang inagawan ng bola. Hanggang sa hayaan na lang ako ng lahat ng tropang nagsawang kumbinsihin ako na okay lang ang lahat. Maliban kay Jepoy. Kahit ilang beses akong uminom at magsuka, hindi siya nandiri na hilamusan ako. Kahit paulit-ulit akong umiiyak habang paulit-ulit na kinukwento yung mga pinagsamahan namin ni Jelai, hindi siya nagsawang makinig. Nadun lang siya, tahimik na tumatangu-tango. Magadamag akong sasamahan sa pag-inom, magdamag na uupo sa tabi ko para ‘pag ‘di ko na kaya, lalatagan na niya ko ng kumot sa sahig at dadalhan ng unan. Tulad ng dati na niyang ginagawa. Palagi pagkagising ko, may fruit juice at breakfast sa mesa, pero wala na siya. Minsan naiisip ko, ni hindi ginawa yun sa’kin ni Jelai. Pero okay lang. Ganun naman talaga ‘di ba? ‘Pag mahal mo, hindi ka dapat naghahanap.

Isang gabi, tinawagan ko ulit si Jepoy dahil wala akong kasama sa apartment. Nagdala siya ng alak, sabi niya, this time sasaluhan niya ko sa tagay. Nawirduhan ako dahil parang hindi siya si Jepoy. Parang hindi yung kilala kong bading. Lalaki kainuman. Lalaki rin kausap. Nagtaka tuloy ako kung bakit ba ayaw magpakalalaki ng gagong yun, eh mukhang kaya naman n’ya. Umusad ang gabi na parang tubig lang sa’ming dalawa ang kung ilang bote ng alak. Para kaming ‘di mauubusan ng kwento at joke sa isa’t isa. Haha! Pero sabi niya, bawal ang kwentong Jelai. Sa pang-anim na bote namin, sabi ni Jepoy may ituturo siya sa’king paraan para maka-move on. Nabasa daw niya sa internet na may three steps para ma-inlove ang isang tao. Seryoso si Jepoy kaya pinatulan ko naman si gago. Ang step one daw, find a complete stranger. Yung tipong ngayon mo lang nakita. Step two, reveal to each other intimate details about your lives sa loob ng kalahating oras. Noon ko lang nalaman yung mga kwento niya tungkol sa paghahanap ng father figure hanggang sa eventually, natanggap na niya na bading talaga siya. Na-share ko rin sa kanya kung paanong lahat ng laro ko sa basketball, alay ko sa Tatay ko na hindi ako nakitang maglaro sa court kahit minsan. Ang final step, titigan ninyo ang isa’t isa for four minutes— eye to eye, bawal magsalita. Sumobra yata ng dalawang minuto ang titigan namin, hanggang sa tuluyan akong antukin at makatulog. Paggising ko, walang fruit juice sa mesa. Wala rin akong shorts. Pero nandun si Jepoy.

Lumapit siya sa’kin, niyakap ako at nag-sorry. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng galit, o inis, o pandidiri sa kanya. Siguro dahil noon pa naman, tanggap ko kung sino at ano siya. After ng nangyari, mas naging malapit kami sa isa’t isa pero wala ng naulit na kung anuman. Umamin din si Jepoy tungkol sa nararamdaman niya para sa’kin at malinaw ko siyang sinagot na wala akong maiaalok sa kanya kundi ang makasama siya bilang totoong kaibigan. Kuha naman niya. Pero kung bading lang siguro ako, jackpot na jackpot ako kay Jepoy. Ideal at standard, kagaya ng kambal niya. Kaso hindi talaga kami talo. Haha! Ba’t parang ‘di naman kayo naniniwala. Haha! ‘Tang ina, hindi ako bali ha. Haha! Bahala kayo. Magsama-sama kayo ng mga teammate kong madudumi ang utak! Cool kasi talaga yung si Jepoy. Ang daming alam. Sa kanya ko natutuhan na meron pala tayong cuddle hormone. Oh, alam n’yo yun? Tawag daw dun, oxytocin na narerelease ‘pag nag-o-orgasm. Haha! May isa pa, yung dopamine. Yun naman daw ang nag-i-stimulate ng desire kaya yung mga mag-syota, sumasabog sa dopamine. Laging energetic kahit kulang sa tulog at kain. Ang daming alam na salita nun kaya lagi akong talo sa scrabble ‘pag naglalaro kami.

(magri-ring ang cellphone, maririnig ang Born This Way ringtone) Putang ina! Tumatawag na naman. Leche! Pati ringtone ko pinakailaman pala nung gagong yun. Siya lang naman ang naglagay ng mga gantong kanta sa telepono ko. Eh di ‘wag kayong maniwala. Itong Lady Gaga na ‘to, theme song daw ng buhay n’ya ‘to. Tapos meron pa ditong Thank God I Found You, matagal na raw n’yang kanta sa’kin yun. May isa pang Mariah, yung there’s a Hero, kasi yun daw ang tingin n’ya sa’kin ‘pag nagbabasketball ako. At ang pinakamalupit, Crazy for You ni Madonna. Theme song daw naming dalawa yun. ‘Tang ina talaga oo. Sa mga gantong pagkakataon, kumukulo talaga ang dugo ko dahil sa mga kalokohan n’yang si Jepoy. Pero hindi ko naman nakakalimutan yung fact na mabuti talaga siyang tao, at napakabuti niyang kaibigan. Nirerespeto ko yung feelings n’ya at naaappreciate ko kung paano n’ya ko minamahal. Hindi mahirap mahalin si Jepoy. Pero hindi kami ang para sa isa’t isa. Sige, sabihin n’yo nang user-friendly ako, selfish, insensitive, gago, tarantado, lahat na. pero hindi ako manloloko. Hindi mahirap kalimutan si Jelai. Alam yun ni Jepoy. (magri-ring ulit ang cellphone, ika-cancel) Ang kulit naman talaga! Hay. Sorry talaga pero kailangan kong balikan si Jelai. Ito na yung second chance na hinihingi ko noon. Hindi naman siguro ipagkakait sa’kin yun ni Jepoy. Bola ko na ‘to. Game na ulit.

5061692079_1976debb64

JEPOY

Bading ako. Grade one pa lang ako, alam ko na. Mahilig akong magsulat. Gusto kong tuldukan ang mga letrang “I” ng maliliit na puso o kaya nama’y makucute na daisies. Grade six nung una akong nagkacrush sa lalaki. Si George. Nung high school, nagkajowa akong babae para pagtakpan ang aking “confusion”. Pagdating ng college, naging kaibigan ko si Edwardo na boyfriend ni Len na best friend ng jowa kong si Trish. Bagito noon si Edwardo sa pakikipagrelasyon kaya sa’kin pa siya nagpaturong manligaw… tinuruan ko rin siya kung paano humalik. Totoo, sa labi ko unang dumapo ang labi ni Edwardo. Pare, ako ang first kiss mo. Haha! Yes, I’m gay. Or maybe bisexual. Basta, hindi ako straight.

When I was younger, I used to think na this is an abnormality, or a curse. But when I understood Science, I also understood myself. All credible scientific organizations state that sexual orientation is influenced by biological and environmental factors and that it can be exchanged as it is innate and set at birth. Scientifically speaking, the hormonal development of our mother’s womb is one of the environmental factors. Furthermore, there are studies showing the correlation with a person’s genetic make-up and their sexuality. So kung hanggang ngayon ay closeta ka dahil takot kang maumbag ng tatay mo, tell it to his face. May kontribusyon siya kung bakit ka may suot na korona at kapa nung ipinanganak at kung bakit high-pitched ang una mong uha.

Sabi din ng isang research, neurologically speaking, gay men, like me, tends to have brains similar in structure and function to that of straight women. I agree. Kaya kami parehong-pareho ng twin sister kong si Jelai. Beauty, brains, and body. Being gay is not an abnormality, and it is a beautiful curse actually. Dito lang naman kasi sa’tin minamata ang mga kumekendeng na lalaki. Until now, nakakulong sa apat na sulok ng makalumang konsepto ang stereotypical na bading sa Pilipinas. Walang pinagbago ang imahe ng mga baklita ng bagong milenyo mula sa kanyang mga lolang badaf ng dekada sitenta. Isa pa rin siyang mahina at segunda manong miyembro ng lipunan. Pero alam nating hindi ito totoo. Excuse me lang huh. Achiever ‘tong fez na ‘to noh. Consistent Best in English, Filipino, MAPEH, Home Economics, and MAKABAYAN since elementary. Valedictorian of my elem and high school batches. Exchange student of GUNMA Prefecture in Japan. UPCAT passer, associate editor ng college paper, president ng Parish Commission on Youth, at 2nd runner up sa Birit Baby 2008. I maybe a gay man but that doesn’t make me less of a human. Bading ako, hindi ako salot. Hindi ito sumpa, because it is my choice to accept the real me. Hindi ako weak, at lalong hindi ako second hand. Maliban na lang siguro sa pag-ibig. Maliban na lang kay Genesis.

Lahat ng boxes sa checklist ko ng isang ideal jowa, pasok na pasok siya sa banga. BY, check. Yummy, check na check. Sporty, triple star! Mas mababa ang IQ sa’kin, corrected by! Higit sa lahat, tanggap ang aking entirety, perfect score! Genesis is my ideal man, minus his kayabangan— minus the fact that he is Jelai’s boyfriend. I mean, exboyfriend. Sa limang taon nilang pagiging mag-on, hindi ako nawala sa eksena. Natatandaan ko ang timeline ng relasyon nila mula sa pag-akyat ng ligaw ni Genesis hanggang sa maghiwalay sila recently. Actually, ako ang original friend ni Gen. Nung minsang may nomo sa bahay, ayun, na-sight n’ya si acheng. Naechapwera ang beauty ko. Gusto kong sabunutan nun si Jelai dahil inagaw niya ang happy ending ko. Pero ayoko namang magpaka-evil witch kaya nagpaubaya na ‘ko. Pero all this time, minahal ko si Gen— nang tahimik, nang lihim. Minahal ko siya sa malayo, sa distansyang hindi makakaharang sa red carpet nila ni Jelai.

Being the martyr twin sister, nawitness ko lahat ng pinagdaanan nila— the ups and downs, ons and offs. I’m the legal third wheel. Pero walang karapatang humingi, mag-expect, at higit sa lahat, masaktan. Kiber lang. Happy na ko sa pagiging proxy ni Jelai kapag hindi niya keri o hindi niya type mag-jowa mode. Yeah. May mga ganung moments si Jelai kaya naiiwan sa’kin si Gen. Madalas, ang bonding session namin ay maglaro ng scrabble. Bet na bet ko ang larong yun dahil chicken na chicken ang magpaimpress kay Gen. Pinapasiklaban ko siya ng photooxidized or ventriloquized, parehong 36 points— o kaya naman psychoanalyzing for 38 points, or oxyphenbutazone, 41 points. One time, nakabuo ako ng quizzicality, 44 points. Champion ako sa scrabble eh. Pero si Gen, ang mga ititira niyang words— gerbera, kasi yun ang favorite flower ni Jelai; theatre, kasi yun ang hilig ni Jelai; princess, kasi yun axng tawag niya kay Jelai. Nyeta siya! Puro siya Jelai, Jelai, Jelai! Krutang Jelai yan. Eh ni wala nga yun alam sa mga favorites ni Gen! Samantalang ako, kabisado ang slumbook page niya. Favorite color: all shades of blue. Favorite music: Parokya at Limp Bizkit songs. Favorite DJ: Papa Jack. Favorite Movie: Space Jam. Favorite Anime: many to mention. Alam ko lahat yun. Ganun ako magmahal, inaalam ko lahat. Kaya alam ko rin na kahit dati pa, hindi siya ganun kamahal ni Jelai.

So ako naman ‘tong si Darna, palaging nandyan para sumalo kay Gen sakaling itulak siya ng magaling kong kapatid. Tanga-tangahan lang ang drama ko. Hanggang isang araw, tumawag na lang sa’kin si Gen habang nagka-crylalu dahil inisplitan na raw siya ni Jelai. Aaminin ko, hindi ko alam kung magcacartwheel ako sa tuwa, o mag-e-egg roll lang dahil sa lungkot. Masakit palang marinig na nasasaktan ang mahal mo lalo pa na ang dahilan ay ang bagay na sana ay ikasasaya mo. And so, to the rescue si Darna. Alam kong wasak na wasak nun si Gen. That moment, nakita ko yung soft side na akala ko dati ay wala siya. That moment, lalo ko siyang minahal. Ilang araw siyang nagluksa para sa limang taon na halos ang ¾ naman ay ako ang kasama niya. Hindi ko siya iniwan. Nakinig ako sa paulit-ulit niyang pag-iyak at pagka-imbyerna sa mundo hanggang sa mapagod na siya. Pero ako, hindi ako napagod. Hindi ko siya iniwan para araw-araw paggising niya, ako ang makikita niya. Ako na umaasa na sana isang umaga, hindi na si Jelai ang hahanapin niya.

In fairness, dininig ng fairy godmother ang wish ko! After makapag-babang luksa ni Genesis, narealize niya na may twin sister si Jelai— na nag-eexist ako bilang tao at hindi lang bilang proxy. Sagad sagaran ang orgasm ko nang i-recognize niya ko as someone special. Pero sabi niya, hindi niya kayang ibigay ang label na boyfriend, or partner, or couple. Ang kaya niya lang, buddy. Nyeta, mahina talaga sa scrabble si gago! Pero okay lang. Masaya naman na ko sa companionship. Masaya na kong nararamdaman ko siya sa tabi ko at nararamdaman na rin niya na nasa tabi niya ako. Pinanindigan naman niya ang maging buddy. This time, kami na lang ang magkasalo sa mesa, magkatabi sa simbahan o sinehan, at magkasabay pumasok sa klase. Winarningan ako ng mga inggetera kong friends dahil sinusugatan ko lang daw ang sarili kong laman. Kiber lang. Bading ako, sanay na ko sa sugat, sanay na ko sa sakit.

Minahal ko si Genesis mula ulo hanggang paa. Minahal ko siya nang todo-todo, tiba-tiba, siksik liglig umaapaw, kahit na sa tuwing maglalaro kami ng scrabble, ang itinitira pa rin niya ay theatre, princess, at gerbera. Kahit na sa lahat ng lugar na puntahan namin, alam kong si Jelai pa rin ang naaalala niya. Nung isang araw lang, nalaman ni Gen na break na si Jelai at yung lalaking pumalit sa kanya. At ang mas bongga, excited si gago na makipagbalikan. Madaya si fairy godmother! Mas paborito niya ang princess kesa sa buddy lang. Kasi wala naman talagang buddy sa fairytales. Pinigilan ko si Gen, nagmakaawa akong ‘wag niyang gawing tanga ang sarili niya, pero hindi na niya ulit ako nakikita. Paano nga naman maniniwala si Gen kung ang kausap niya ay kagaya rin niyang tanga. Haha! Okay, ito po si Charo Santos, magandang gabi po. (kukunin ang cellphone, tatawag kay Genesis) Hello? Hello Gen! Listen to me. Mag-usap muna tayo bago ka makipagkita kay Jelai. Please. May kailangan kang malaman. Hello Gen? Gen! (ibaba ang cellphone) Hindi sila pwedeng magkabalikan. (akmang bababa pero hihinto) Kailangang malaman ni Gen na hindi sa kanya ang sanggol na dinadala ni Jelai.

 

Advertisements

2 thoughts on “Jepoy at Genesis: Madaya si Fairy Godmother

    • Uyy, salamat sa pagbabasa. Walang part 2, pero may ending sana yung kwento nila. Kasama nung iba pang pares ng monolog. Kung sakaling maisulat ko ang katapusan, babalitaan kita.

      Tambay ka pa sa aking site. Sana ay mag-enjoy ka sa pagbabasa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s