Anim na Libro: Apat na Pilipino, Isang Afghan, Isang Rebyu

December 2016 pa nung huli ako nakapagsulat ng post ukol sa nabasa kong libro. Hindi dahil sa hindi na ako masyadong nagbabasa, kundi dahil hindi ako natitigil sa pagbabasa. Kaya heto, isang bagsakan na. Anim na libro mula sa isang Afghan at apat na Pilipinong manunulat.

collage

1. Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga
Ang koleksyon ng mga dagli ni Jack Alvarez ay beautiful in its way. Maaaring basahin ang mga akda bilang isang buong nobela na nagsasalaysay ng buhay ng isang Pinoy OFW sa Gitnang Silangan. Napaka-personal ng pagke-kwento. Para bang kaharap mo ang manunulat habang itsinitsika niya sa’yo ang kanyang childhood, family issues, love life, hidden affairs, at aspirations in life. Bawat chika, may twist na magpapatumbling o magpapa-split sa’yo. May mga pagkakataon na napapabulalas ako ng “Totoo ba?” dahil sa sakit at pagkalungkot, o kaya naman ng “Ang ganda naman pala ni Jack.” dahil sa katuwaan at kilig. Walang duda, Jack is on the right track. So hold your head up, Jack, because you’ll go far.

25605723

2. Cubao-Kalaw, Kalaw-Cubao
Ang librong ito ay lipon ng mga premyadong katha ni Tony Perez. Ang pinaka-highlight ay ang nobelang “Bata, Sinaksak, Sinilid sa Baul”. Balot ng misteryo at kaunting horror/suspense ang nobela, kagaya ng mga kwento sa serye ni Perez na “Sitio Catacutan”. Pero hindi ako natakot. Bagkus ay namangha ako kung paano binuo at tinahi ang buhay ng tatlong pangunahing tauhan base sa prologo na “may isang kriminal na pumatay sa bata at sa pulis na matagal nang tumutugis sa kanya”. Tama ang foreword ni Jessica Zafra: “Nothing much seems to be happening, but you know that something is about to happen.” Sa nobelang ito, makikita mo ang Tony Perez na fictionist, playwright, clinical therapist, psychic trainer, at spirit questor.

14269719_10209346660335536_968909419_n

3. The Rene O. Villanueva Children’s Reader
Kung gusto mong magsulat ng tula, dula, o kwentong pambata, basahin mo ang librong ito. Isang mayamang koleksyon ng mga nalimbag at hindi nalimbag na akda ni Villanueva na maaring gamiting giya at gabay. Pihado, matutuwa ka sa paglalakbay sa mga gawa-gawang mundo kapiling ang mga gawa-gawang tao. Tapos mapapaisip ka, paano ba maging henyo kagaya ng isang Rene Villanueva?

1832055

4. Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon
Ayaw kong basahin noon ang nobelang ito dahil hindi ako kailanman naging fan ng online games. Pero nung nabuklat ko na ang aklat, wala nang bitawan. Totoo nga ang bulung-bulungan. Matagumpay na nalikha ni Edgar Calabia Samar ang isang kwentong pantastiko na sa unang tingin ay banyaga, pero sa mas matalas na pagbasa ay may kamalayang Pilipinong Pilipino [kung anuman ang ibig sabihin nito]. Hindi ko pa nababasa ang ikalawang libro, pero sabik na kong mapanood ang stage adaptation ng Tiyanak ng Tabon na gagawin ng Tanghalang Ateneo.

janus-silang-tiyanak-ng-tabon-cover

5. A Thousand Splendid Suns
Sinaktan na ako ni Khaled Hosseini sa “The Kite Runner”. Pero mas sinaktan niya ko sa nobelang ito. I cried a thousand times over. Para kay Mariam. Para kay Laila. Para sa mga magulang nila. Promise, hindi OA ang blurb na ito: “a haunting, heartbreaking, compelling story of an unforgiving time, an unlikely friendship, and an indestructible love”.

9780747582977-us-300

6. And the Mountains Echoed
Hindi pa man ako nakaka-recover kina Mariam at Laila, binasa ko na agad itong ikatlong nobela ni Hosseini. Sa totoo lang, para sa’kin, hindi ito kasing sakit nung dalawang nauna. Pero ibang klase ang pagkakasulat. Hindi ko lubos maisip kung paano hinaraya ang kwentong deka-dekada at konti-kontinente ang sakop. Sa librong ito, mas malawak na Afghanistan ang nakita ko.

andthemountainsechoed-cvr-thumb

Ikaw, nabasa mo rin ba ang mga ‘to? Kwentuhan mo ko. Meanwhile, balik na ulit ako sa pagsinghot ng libro.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s