Ako ay Survivor ng 2016

Hindi raw naging mabait ang 2016. Ganunpaman, maraming bagay sa papatapos na taon ang dapat ipagpasalamat. Naghihingalo na ang 2016, pero buhay pa tayo. I guess, gaano man siya naging masama, tayo pa rin ang panalo.

Nakangiti akong tutuldukan ang taon dahil sa mga sumusunod:

PRODUKSYON

1. Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala

Halos buong taong gumala ang karaban ni Maria Isabella. Mula sa Tagalog Play Fest ng Bindlestiff Studio sa San Francisco, California, pabalik sa CCP para sa Virgin Labfest 12, patungo sa Cagayan de Oro para sa laboratory prod ng The Xavier Stage, dumaan sa University of Santo Tomas para sa major prod ng Artistang Artlets, at muling lumipad pa-Mindanao sa Koronadal City para sa Apat sa Taglamig. Sandamakmak na puso na ang na-Lorenzoned. Sakaling magbalik sa 2017 ang orihinal na produksyon na dinirek ni Ed Lacson, Jr., palalampasin mo pa ba?

 

10622959_911759882287829_4478901665330456356_n

15094510_1250521678320099_9013462663057222420_n

15135792_1250521428320124_908126789105378619_n

15740942_1352137638182631_7340248806225961120_n

15622588_1353288801400848_5487048189857357895_n

15781578_582726275252134_5002071755306587692_n

2. Ligo Na U, Lapit Na Me The Musical

Lahat yata ng aspeto ng produksyong ito ay maaksyon, mapusok, at nagbabaga. Sigurado, maaalala ito ng marami higit pa sa pagiging unang musical play ng Tabsing Kolektib. Ako, aalalahanin ko ang dula na mahigit dalawang taon kong iniri bilang isang espesyal na regalo sa nag-iisang si Gem Cruz.

img_0143

img_0638

img_3039

img_0718

img_3095

img_3254

img_0995

3. Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal

Ngayong taon, muling nabuhay si Dedels. Dalawang beses siyang lumangoy kasama ang mga estudyante ng Miriam College at ng Far Eastern University. Nakaaaliw marinig/mapanood ang mga sariwang pagbasa at bagong interpretasyon ng dula. Para bang ginaganyak ako na isulat na ang screenplay na noon ko pa iniisip simulan. May patutunguhan kaya?

15192735_1292479227459849_6911953265813855385_n

15049919_1468373353177342_1069827206_n

15151531_1468373446510666_1261179392_n

4. Ang Favorite Book ni Jude

Makalipas ang apat na taon, may nagpahayag ng interes sa kauna-unahang book adaptation na isinulat ko. Nakaluwas ng Maynila ang dula sa pamamagitan ng The Thespian Society ng PNU at ng Tetro Tomasino ng UST. Hindi ko napanood ang pagtatanghal ng una, samantalang galak na galak naman ako sa produksyon ng ikalawa. Ang mas nakatutuwa pa, nagkaroon na kami ng kongkretong kasunduan ni Bob Ong ukol sa kanyang orihinal na libro na aking isinaentablado.

13006645_1076023289123036_5128178711206025970_n

13007128_1077159615676070_5591397945306256157_n

13083216_1077160785675953_8228958654121770985_n

13062304_10153377980012471_8742627634161954750_n

13100897_10153377995322471_934047177622075070_n

5. Alindanaw

Malaking surpresa para sa akin ang dulang ito. Aliw na aliw ako sa musika at mga sayaw. Iba rin ang husay na ipinakita ni Maryfaith Rayos. Sabi ko nga, nakangiti ako na parang bata habang nanonood. Pero ang pinakanakakataba ng puso ay ang makita ang mga totoong bata na may kinang sa mga mata habang pinapanood ang pagtatanghal. Tita JC Fernandez, sana ay proud ka sa akin.

13083331_1008073145940736_477760950051750552_n

 

13138744_1010015389079845_2388802277597856119_n

pam_9690

pam_9811

pam_9735

13166105_10206642410035671_6506311477914912295_n

13151879_10206642423035996_5978984511731163327_n

13177514_10206642424836041_3047034391146791265_n

6. Hercules, The Valiant Warrior of Thebes

Maraming itinuro sa akin ang produksyong ito. Sabi nga nila, charge it to experience na lang. Pero sa kabila ng lahat ng aberya, may mga bagay rin na ipinagpapasalamat ko sa pagiging bahagi ng proyektong ito. Naging kaibigan ko sina D Cortezano at Riki Benedicto. Nakatrabaho ko ulit si Natasha Cabrera. Nakasama kong magsulat sina Haya Soluta at Drew Espenocilla. Patuloy na lumalaki ang mundo, patuloy na nagbubukas ang mga posibilidad.

13680925_1165235883517518_4915770305318477913_n

13886266_1175366515837788_9068530772703535399_n

13221671_1571931013100879_7841276742593802620_n

7. Kasaray Duma: Mga Supling ng Sigwa

Sa lahat ng naisulat ko ngayong taon, ito ang pinaka ipinagmamalaki ko. Mas naging makabuluhan ang 27th birthday ko dahil sa dulang ito. Napakapalad namin na maipamalas sa mga katutubong dumalo sa Lakbayan 2016 ang aming dula na para naman talaga sa kanila. Tahimik lang na nanood ang mga Mangyan, Dumagat, Tagbanwa, at iba pang IP noong gabi mismo ng birthday ko. Pero pagkatapos ng pagtatanghal, narinig namin ang kanilang saloobin, mga hinaing, pagpapahalaga, at pasasalamat. Narito ang video ng ilan sa mga nagbahaging katutubo: https://www.facebook.com/TabsingKolektib/videos/1112074798882746/. Ang mga pahayag nila ang pinakamatamis na regalo nung araw na ‘yun.

14947728_1133411843415708_8624059673814494063_n

14956471_1133412386748987_5532733366165413833_n

14938177_1133412536748972_7628884670288573971_n

14937458_1133412086749017_6649879670870409813_n

14947437_1133412670082292_5194450384144546243_n

14937458_1133412863415606_6284084757208227224_n

14956599_1133412280082331_2226007094616997443_n

14909896_1133412336748992_1114957914706467409_n

LAKWATSA

1. Maynila

Tinangka kong maging isang responsableng writer sa pamamagitan ng pagre-research para sa isang proyekto. Kasama sina Jeorge Pamplona at Ado Enciso, pumunta ako sa Bahay Tsinoy sa Intramuros. Hindi naman ako nabigo. Marami akong natuklasan ukol sa ugnayang Filipino-Chinese. Lalong umigting ang kagustuhan kong makalipad sa Tsina. Para sulit ang lakwatsa, dumaan din kami sa National Museum at Binondo.

12540564_10207431845226355_8536798708596219185_n

12549091_10207438135783615_2972071515512528496_n

12642776_10207586713777972_229626660841088675_n

20160110_112642-1

2. Leyte

Napaaga ang summer dahil sa byaheng ito kasama sina Miziel Manalac at Syrene Correa. Unang tapak ko sa Visayas. Swerte naman na nandoon din si Jeorge para i-welcome kami sa Tacloban. Nakaikot kami na parang turista at nakatawid sa San Juanico Bridge (so, around 5 minutes din kaming nasa Samar). Pero ang highlight ng lakwatsa ay ang ganda ng Hinunangan. Ang dagat. Ang isla. Ang jugar.

20160205_104439

20160205_083413

20160207_112602

20160207_142432

20160207_141909

20160206_063918

20160207_161553

20160207_163016.jpg

3. Baguio

Hindi ito ang unang beses ko ng spontaneous Baguio trip. Pero first time kong makasama sina Miziel, Joe Garcia, Faye Tulio, at Mykkan Nantes. Wala namang masyadong bago. Malamig pa rin. Nakakawili maglakad (maliban na lang dun sa may BenCab Museum). Masarap sa pakiramdam na sandali kang “nakatakas” sa kung anuman.

20160403_170703

20160403_162057

 

20160403_1547350

20160403_151954

20160403_134419

20160402_143845

4. Cagayan de Oro – Camiguin

Ito ang pahabol na summer getaway kasama ang matatalik na kaibigan sa Haribon UPLB. First time ko sa Mindanao kaya ibang klase ang high para sa akin. Mahaba ang byahe patawid sa Camiguin pero sulit ang pagod. Ang ganda ng dagat kahit na makulimlim ang langit. Nakakamangha ang mga taklobo. Nakakawala ng takot sa deep blue sea ang makukulay na coral reef. Hindi ko man nakita si Magdang Ahas sa Sunken Cemetery, bawing bawi naman kay kuyang bangkero na mataas pa rin ang energy kahit palubog na ang araw. Bago bumalik ng Maynila, nakadaan din kami sa Xavier University kung saan ipapalabas ang “Guryon ng mga Tala”.

20160709_171452.jpg

20160710_080243.jpg

20160710_090614.jpg

20160710_114805.jpg

20160710_170254.jpg

20160710_175236.jpg

5. Rizal

Bumalik sa Pinto Museum para mag-photo shoot.

dscf5616

dscf5380

dscf5733

dscf5427

 

dscf5829

AT IBA PA (na higit na mahahalaga)

1. 1st PUP Multi-Genre National Writers Workshop

Isang linggo akong nasa Mulanay, Quezon kasama ang mga hinahangaang manunulat na sina Jun Cruz Reyes, Eros Atalia, Jerry Gracio, Manix Abrera, atbp. Busog sa mga turo at insight nila ukol sa panitikan at pagsusulat. Busog din sa sariwang isda at gulay. May side trip pa sa Virgin Beach (o bitch?). Naging matagumpay para akin ang palihang ito dahil natapos ko ang rebisyon ng dula na matagal-tagal ko nang niluluto. Sana lang ay mailabas na sa susunod na taon ang antolohiya ng aming batch.

13315579_10206609814946352_8581424072343116177_n

13256027_10208424640965628_4714488733693060652_n

13245393_10208420718067558_7103667928700799446_n

13237846_10153831910469753_129684314657354046_n

13226772_10153831911064753_1418141854644040493_n

14034938_10207161369894881_1593376190818896032_n

13615364_1364946426855980_1258221290009852035_n

2. Chin-Chin’s 21st Birthday

Hindi namin siya nabigyan ng debut kaya nag-promise ako na sagot ko ang 21st birthday niya. Peppa Pig ang theme, swak sa figure ni Chin-Chin. DIY party para pasok sa budget. May candy buffet at photo booth pa.

13450744_10208675926407607_8009220557047389463_n

13501619_10208675977448883_2208712793573321286_n

13466299_10208675941567986_4967961963421392535_n

13450809_10208675966608612_2921760938075180090_n

13450305_10208675946608112_6065620045976467254_n

13450040_10208675927487634_6002576935431481980_n

3. GMA 7

Kahit na hindi ako kapuso, nagtuluy-tuloy naman ang offer para sa pagsulat sa iba’t ibang show. Early 2016, nagtapos ang “Juan Tamad” na maluwalhating nakaabot sa dalawang season. Agad naman itong nasundan ng “Naku Boss Ko”, kahit pa dalawang episode lang ang sinulat ko. Highlight ng taong ito ang “Conan My Beautician” na kahit hindi matagal umere ay nakapagpatawa naman sa marami. Sa palabas na ito, first time ko rin na mapagkatiwalaan na magsulat ng pilot episode.

13495239_1132178586823248_4962986624848689513_n

13062083_1091177504256690_4060583046835161989_n

4. Pagoda ng Apo Ana

Bihira na akong umuwi sa Hagonoy. Madalas, kapag may okasyon o long weekend na lang. Ngayong taon, naranasan ko ulit sumama sa pagoda nung pista ng Apo Ana. Panoorin ang videong ito para makita kung gaano kasaya ang prusisyon sa ilog.

13729010_852428794901942_4700706111231980468_n

 

13754109_852428891568599_5548128148667994414_n-1

13754603_852428984901923_6067183031684961025_n

5. PH-2

Tama ang desisyon ko na lumipat ng ibang cluster/team sa DirectWithHotels (dito ang day job ko, guys). Masaya akong katrabaho ang mga A player. Masayang masaya rin dahil suportado ni Boss Mary Joan ang showbizz career ko. By the way, more than 4 years na ako sa kumpanya.

15841897_10210432517481286_832597396_n

15578928_10155065547274367_8234142534648855032_n

6. #NeverAgain Rally

Habang sinusulat ko ang blog na ito, naririnig ko ang kainuman ng nanay ko. Sabi niya, “Mga mali lang ni Marcos ang nakikita ng mga nagrarally na yan. Hindi nila nakikita yung magaganda niyang nagawa.” Isang bagay lang naisip ko. Tuloy ang laban.

15801398_10210432472720167_2059506105_n

7. Family

Tuwing may okasyon…

12963396_1197598460258514_5076672675618203337_n

14494652_10209600759887866_7449043610138637935_n

14681689_10209699783683399_5126987782050690412_n

8. 15th Ricky Lee Film Scriptwriting Workshop

After 14 years, muling nagbukas ng bahay at buhay si Sir Ricky para sa bagong henerasyon ng screenplay writers. Napakaswerte ko na nakasama ako sa #betchfifteam. Bawing bawi ang pagsuong sa malakas na ulan, bomb threat, at 6 hours na application process. Simula noong November 13, bawat Linggong dumating ay napuno ng aral, hamon, at tamis ng pagkakaibigan. Alam ko, malayo pa ang byahe pagkatapos ng field trip sa Quiapo. Pero hindi ako natatakot maglakbay dahil may mga kasama akong maliligaw at maghahanap ng panibagong mga daan.

15055855_10207276447891412_2276397378760017477_n

15841471_10210432473840195_1805891789_n

15820249_10210432472680166_887869637_n

15622097_10154403831014753_8491017304164978042_n

15542450_10154403772834753_1215007215566471174_n

15181496_10154332364789753_6207038247704721495_n

15253517_378798192453051_3067317909164941906_n

15055786_10154597492318346_3614043180882739223_n

15726996_1649038751776838_8272232148505887606_n

9. Second Life

Ilang araw bago mag-Pasko, nabundol ako ng kotse. Mabuti na lang, malaki ang bilbil ko. Doon tumama ang side mirror. Nagsugat, lumatay, dumugo, pero buhay pa ko. Wala rin namang baling buto sa binti o paa. Salamat sa Diyos. Kaya ang resolution ko, pag-aaralan ko nang mahalin ang bangketa.

DSCF5652.JPG

Sa inyong lahat na nakasama ko ngayong taon, maraming salamat. Baon ko sa paparating na Year of the Rooster ang maraming aral at alaala na sabik akong madagdagan pa.

2016, you’re probably evil. But I am wicked.
2017, together, let us be great.

Advertisements

One thought on “Ako ay Survivor ng 2016

  1. Pingback: Nakaangkas Ako sa Ika-15 Trip to Quiapo | Kalyo sa Kanang Palasinsingan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s