Nakaangkas Ako sa Ika-15 Trip to Quiapo

Fish out of water.

Isa ito sa mga pinakapaborito kong phrase na ginagamit ni Sir Ricky Lee sa klase. Ito ang pakiramdam ko noong mga unang linggo ng workshop. Dayo ako sa mundo ng pagsulat ng iskrip ng pelikula.

15135777_10154320823489753_2038230432634278249_n

Hindi ako nag-kaila ukol dito. Dumating sa punto na tinatanong ko kung “tama ba ‘tong pinasok ko?”. Pero sabi nga sa lesson, madalas ay maling desisyon ang pipiliin ng bida pagkatapos ng inciting incident para magsimula ang journey niya patungong rebirth.

Matapos ang sampung linggo, napatunayan kong isa ngang restorative na karanasan ang pagiging bahagi ng 15th Ricky Lee Scriptwriting Workshop.

Bumubuhos ang ulan nung dumating ako sa UP Diliman para sa screening. Wala akong payong. May bomb threat pa. Brief ko na lang ang tuyo nung pumirma ako sa registration. Pagpasok ko sa examination room, bumulaga ang isang surpresa. Ang daming tao. Naisip ko, “ganito karami ang gustong maging writer?”. Ngayon ko lang narealize, ganoon karami ang gustong maturuan ng isang maestro.

14606276_1101131593269886_1526131436592268390_n

Mag-a-alas dose ng tanghali nung nagsimula akong magsulat nung screening. Alas tres y media nang matapos ang interview.

Birthday ko nung lumabas ang listahan ng mga nakapasa sa screening. Pero ilang araw bago yun, tinawagan na ako ni Sir Ricky para iparating ang magandang balita.

Napalunok ako nung binasa ko ang listahan. May Kanakan Balintagos. May Gian Abrahan. May Brylle Tabora. May Rod Marmol. May Miles Ocampo. At may Bela Padilla. Grabe naman pala.

14721662_10209687875065691_6059403027174515661_n

Sampung Linggo ang kahingian ng workshop. Naisip ko, mabigat sa schedule pero kakayanin. Ang hindi ko napaghandaan, hindi pala nakakahon ang workshop sa sampung araw ng klase. Nung magsimula na kaming mag-isip at magsulat ng premise, araw-araw at oras-oras ko nang pasan ang kwentong gusto kong isulat. Totoo palang maliligo, kakain, iihi, at matutulog kang kasama ang mga tauhan.

snap-2017-01-30-at-15

Madugo ang workshop. Unang beses yata na umiyak ako dahil sa isinusulat. Premise pa lang yun ha. Walang biro, nagulo ang normal world ko. Pero sa mahabang proseso ng tribulation, dumating ang maliliit na triumph at turning points na habang buhay ko nang babaunin.

15622150_10154250021297058_4306141685711648601_n

Sa kabilang banda, hindi lang naman puro kadiliman at sakripisyo ang byahe paputang Quiapo. Kasing dami ng conflict, crisis, at catastrophe ng pagsusulat ang masasayang eksena kasama ang mga kapwa workshopper.

1. INT. RICKY LEE’S LIBRARY. DAY.

Mga tawanan, biruan, at bulungan sa klase. Ang magical isipin na lahat ng naririnig ng dingding sa library na ito ay automatic na naililimbag sa mga nakapaligid na libro. Uy, magandang premise ba ‘yun?

15032237_10154751584912140_7938577712526758820_n

Unang araw ng klase

2. EXT. RICKY LEE’S GARDEN. DAY.

Masasarap na pagkain at mas masasarap na kwentuhan tuwing agahan, tanghalian at merrienda. Kung minsan, hanggang hapunan. At inuman.

15181253_10154332364104753_6324461586551070639_n

3. EXT. RICKY LEE’S GARDEN. DAY.

Linggo-linggong photoshoot. Minsan may theme. Mas madalas, hindi sumusunod ang mga tao sa napagkasunduang theme.

15192739_10154332358774753_1285922988236763107_n

Printed Day

4. INT. RICKY LEE’S LIBRARY. DAY.

Ilang activities sa klase na may premyo. Halimbawa, yung napanalunan naming E-heads commemorative set.

15622033_10154403820264753_4781223454331170279_n

5. INT. RICKY LEE’S LIBRARY. DAY.

Secret Santa session nung magpa-Pasko. Niregaluhan ako ng kotse-kotsehan dahil may bubog daw ako sa sasakyang binangga ko.

15492160_10154377845639753_8755607472209041985_n

Salamat kay Dwein Baltazar.

6. INT. RICKY LEE’S LIBRARY. DAY.

Pa-raffle ni Sir Ricky bilang pamasko.

15326546_10154377846914753_6504198380513363993_n

7. INT. RICKY LEE’S HOUSE. NIGHT.

Christmas Party kasama ang mga alumni ng workshop at ang mga papasok pa lang na Batches 16 at 17. Bagets na bagets kami nung gabing ‘yun.

15542207_10154406194139753_486980518525496726_n

8. INT. RICKY LEE’S LIBRARY. DAY.

Pagreregalo ng TV kay Sir Ricky. Parinig kasi siya nang parinig na may sira na ‘yung isang TV.

15621949_10154403772914753_2792521369044632325_n

9. EXT. LAGUNA. NIGHT.

Bago matapos ang 2016, bumyahe ang klase sa Los Banos para mag-unwind. May surprise birthday gift pa para kay Rina.

15747626_1646575568689823_381213383969410688_n

10. EXT. LAGUNA. NIGHT.

Langoy-langoy. Kanta-kanta. Inom-inom. Kain-kain. Tapos wasakan ng buhay.

15726996_1649038751776838_8272232148505887606_n

15871930_10154455517854753_6145513128704663935_n

11. INT. UP TOWN CENTER. NIGHT.

Nanood kami ng digitally remastered na “Labs Kita, Okey Ka Lang?”. Natupad nung gabing ito ang isa sa pinakamailap kong pangarap.

15895034_1574378882577972_2973835956777607483_n

Marami pang ibang eksena na hindi nahagip ng kamera. ‘Yung iba Rated SPG, ‘yung iba na-cut na. Simple lang naman ang log line ng pelikulang ito: 31 baliw na inampon at inaruga ng isang paham.

snap-2017-01-30-at-dd

Tapos na ang napagkasunduang sampung session, pero may extension pa ang klase. Hindi ko sigurado kung nakarating na ko sa Quiapo. Ang mahalaga sa ngayon, nailuwal na ang mga kwentong ipinagbuntis nang humigit kumulang dalawang buwan.

16425719_10154530642464753_7271198709594266297_n

Ang tamis-tamis ng ngiting ito.

First draft pa lang. Maraming burador pa ang pagdadaanan. Ang mahalaga, ang bida ay hindi na fish out of water. Medyo hindi na.

15578780_10154250025132058_3180153982141644439_n

Maraming bagong byahe ang nakaabang. Hindi lahat, kailangang sakyan. Pero lagi’t lagi kong babalikan ang trip kung saan ang pwesto ko sa sasakyan ay ang sulok na ito:

15589658_10154250024747058_6290275777913334862_n

Sa sulok kung saan tanaw ang mga pangarap ng mga kapwa manunulat. Sa sulok kung saan dinig ang boses na nagwawasto at gumagabay. Sa sulok kung saan alam kong ligtas na makakalangoy at makakaahon ang isang fish out of water.

15542450_10154403772834753_1215007215566471174_n

LABAN.

 

Advertisements

2 thoughts on “Nakaangkas Ako sa Ika-15 Trip to Quiapo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s