Kung Bakit Nakahuhumaling ang Waling-Waling

Mga tala para sa dulang “Ang Muling Pamumukadkad ng Vanda sanderiana”:

17424876_1606088412738817_1940461248999566693_n

Madaling namulaklak sa isip ko ang konsepto ng pagsasalin ng dula ni Paul Zindel. Dahil na rin siguro aligaga akong matapos para umabot sa dalawang linggong deadline. Malaking hamon na ilugar sa Pilipinas ang kwento ng mag-iinang Hunsdorfer. Salamat sa tulong ng Google at mga kaibigang bihasa sa agriculture at chemistry, nailuwal ko ang Filipino adaptation ng “The Effect of Gamma Rays on Man-in-the-Moon Marigolds”.

17523447_10208768338227810_3511824096831573548_n

Upang mas maunawaan ang konteksto ng dula, narito ang tatlong mahahalagang tala na sa palagay ko ay dapat ibahagi:

1. Ang unang tanong bago ako nagsulat: ano ang ipapalit sa marigold?
Naisip ko agad ang waling-waling (Vanda sanderiana) dahil ito ay endemic sa Pilipinas. Tinatawag na “Queen of Philippine flowers” at isa sa dalawa nating pambansang bulaklak. Habang nagri-research, nalaman ko na noong 1980’s, kinilala ang agriculturist na si Charita P. Puentespina dahil sa pagsasagawa niya ng embryo culture ng waling-waling na siyang naging solusyon sa nakaambang extinction noon ng nasabing orchid.

17554028_10208768341787899_3590786685880285942_n

17522579_10208768361348388_575703190655128077_n

2. Taong 1983 ang pinili kong panahon dahil sa dalawang rason.
Una, ang Bataan Nuclear Power Plant ay natapos gawin noong taong ito. Naisip ko na magandang lunsaran ng mas malawak na pagtingin sa dula ang hindi pa natatapos na debate ukol sa naturang planta. Akma naman dahil ang paksa ng dula ay radioactivity. Ikalawa, binaril at namatay si Sen. Ninoy Aquino noong taong din iyon. Dahil nagpasok na ako ng isang elemento na patungkol kay Marcos, malaking kabalintunaan naman siguro kung walang lalabas na Aquino. Kung napayaman man nito ang dula, ang mga manonood na ang makapagsasabi.

17634477_10208768362428415_9036687483702961202_n

17626519_10208768337387789_635457258497456121_n

3. Hindi pwedeng hindi masaling ang Batas Militar sa sandaling pag-usapan si Marcos.
Kaya’t ang Nanny sa orihinal na dula ay naging si Hilda Narciso, isa sa napakaraming biktima ng karahasan noong panahon ng Martial Law. Ang linyang “Mabuti pang pinukpok na ako nang pinukpok…” ay galing sa aktwal na nalahatlang panayam kay Narciso.

17499014_10155292067261015_3983915415432917150_n

17554429_10208768351348138_2764031432825746700_n

Sa maikling panahon, sinubukan kong kilalanin at galugarin ang pagkatao ng isang hindi pangkaraniwang tahanan at pamilya. Hindi ko matitiyak kung matagumpay kong naisalin ang nais sabihin ni Zindel sa pamamagitan ng kanyang dula. Isang bagay lang ang nasisiguro kong malinaw— lahat tayo ay may angking kabaliwan.

17553429_10208768353868201_1986120434049613419_n

Nais kong magpasalamat kina Chase, Liway, at Jessette sa pagtitiwala na mabibigyan ko sila ng isang makabuluhang materyal. Gayundin si Bb. Mara Marasigan para sa pagkakataon. Hiling ko na ito ay simula pa lang.

17424887_1497763780242286_2661507964343400542_n

Sa mga manonood, baunin ninyo sana ang kapiranggot na karunungan mula kay Imelda. Hindi kailanman naging mali ang magpakita ng kapirasong kaibahan sa karamihan. Kahit pa husgahan ka at ituring na mantsa ng lipunan.

17635259_10208768326507517_4785702692926758198_o

Nawa ay patuloy na mamukadkad ang ating mga puso, isip, at pandama na kapwa binubuo ng atom na siya ring pinagmulan ng araw at mga bituin.

*ang mga litrato ay kuha ni Rainier Gonzales

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s