FAKE NEWS?! 12 Sikreto Tungkol sa “Pilipinas Kong Mahal With All the Overcoat”, Ibinulgar!

Nag-request si Direk Roobak Valle na maglabas ulit ako ng mga trivia tungkol sa dula namin sa katatapos lang na Virgin Labfest. Natandaan niya kasi na ginawa ko ito noong 2015 para sa “Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal”.

Bilang tugon, narito ang 12 fun fact tungkol sa “Pilipinas Kong Mahal With All the Overcoat”. Dito ko na rin idadaan ang pagbubuhos ng wagas na wagas at halu-halong emosyong hatid ng 13th edition ng VLF.

19247844_10212022110420116_7029640903697683413_n

Poster design by Tristan Ramirez

1. Ang orihinal na pamagat ng dula ay “dikasure.com”.
Ang boring, ‘di ba? Heto ang backstory. Sa opisinang pinapasukan ko sa Makati, naging trademark ko sa malalapit na kaibigan at katrabaho ang expression na “Hindi ka sure”. Noong balakin namin na mag-launch ng website na kagaya ng format ng Buzzfeed, dikasure ang napili naming domain name. Ang idea, kapag hindi ka sure sa isang bagay, sa website ka namin pupunta para ma-enlighten ka. Unfortunately, hindi natuloy ang project.

19875198_10212161658948742_8257989542658785160_n

Artwork by Nif Ruedas

2. Ang mga pangalan ng tauhan ay hinugot mula sa mga pangalan ng sikat na Filipino historians.
Obvious naman, ‘di ba? Ambet (Ambeth Ocampo). Nato (Renato Constantino). Teody (Teodoro Agoncillo). Pero wala sa intensyon ko na magbigay ng komentaryo ukol sa kung paano nila sinulat ang ating kasaysayan. Kung may lumabas man na ganoong interpretasyon… e ‘di ang deep.

DSCF5278

Fitz Bitana as Nato

DSCF5345

Paul Jake Paule as Ambet

DSCF5271

Chunchi Cabasaan as Tito Alfie

DSCF5332

Anthony Falcon as Ministro

20182583_10212229117395161_928337155_n

Regalong libro ni Ambeth Ocampo matapos mapanood ang dula

3. Komentaryo sa mali-maling textbook ang nagsilbing binhi ng dula.
Naisip kong magsulat ng dula na magbibigay puna sa kontrobersya ukol sa mga librong pinagagamit sa elementary at high school. Higit dalawang oras ko yatang kausap sa cellphone si Kate Angeles (isang kaibigan na noon ay nagtatrabaho sa publication) para sa initial research. Matapos ang kwentuhang iyon, naisip kong masyadong mahirap isulat ang gusto kong puntahan.

DSCF5298

Creators and owners of dikasure.com

DSCF5309

“Paul Jake Paule brought over some of his Macbeth brooding as the guilt-stricken Ambet. Fitz Bitana was a comic riot as the more carefree techie Nato.” – Fred Hawson

4. Ang nag-viral na “Liham Para Kay Oryang” ang naging susi para maisulat ko ang unang draft ng dula.
LFS-Diliman ang unang nag-share sa Facebook ng tulang ipinasa ko sa isang anthology para kay Bonifacio. Hindi ko naman akalain na lalaganap na parang apoy ang hitik sa hugot na tula. Yes, it escalated quickly. Simula noon, walang mintis na nagrere-surface sa social media ang tula tuwing Valentine’s at Bonifacio Day. Nakakakilig na pinagpyestahan ito ng netizens. Hanggang sa may isang kaibigan ang nag-point out sa akin na nakakabahala ang maling paniniwala ng ibang mga nakabasa na totoong si Bonifacio ang may-akda ng sulat/tula.

20158408_10212229101274758_1601069717_n

Maging si Anthony Falcon ay nabighani sa “Liham Para Kay Oryang”. Sabi niya, alam naman niyang historical fiction ‘yung sulat.

5. Hinalukay ko pa ang quiz bee reviewer ko noong high school para sa historical aspects ng dula.
Ipinanlaban kasi ako noon sa Philippine at Bulacan History Quiz Contest. Naitago ko pa ang type-written reviewer na ginamit ko 13 years ago. Sininop ko dahil alam kong sa takdang panahon ay magkakaroon ulit ‘yun ng silbi. Hindi naman ako nagkamali.

Snap 2017-07-17 at 20.48.22

Facebook post ko bago ko simulan ang pagsulat ng dula noong 2016.

6. Natapos ko ang unang draft sa ganap na 3:05 ng umaga noong October 31, 2016.
Hindi pa pumuputok noon ang issue ng “fake news”. Noong isulat ko ang dula, sa isyu ng “historical revisionism” pa lang ako nakatingin. Noong ipabasa ko sa Writers Bloc ang dula, may mga suhestyon pa na paglaruan ko rin ang konsepto ng “trolls”. Hanggang sa maglipat-taon, mas lalong umingay ang pamumuna sa mga hindi makatotohanang balita. Mas umigting naman ang kagustuhan kong mapulido ang dula para maipasa sa Labfest.

18275100_10211523843283749_2356039822586806277_n

Actual hand-written draft

7. Si Fitz Bitana na ang nasa isip kong gaganap na Nato nang simulan kong i-revise ang script.
Si Tope Kliatchko (kaibigang aktor) ang nagbigay ng ideyang ito. Habang isinusulat ko ang “Sylvia Q.” para sa thesis production ni Fitz sa UPD, hindi niya alam na isinusulat ko rin ang isa pang dula na siya ang bida. Oha!

DSCF5257

#GalawangBitana

DSCF5276

Binili ni Fitz ang sandong suot niya para daw may “metaphor” ‘yung costume niya.

DSCF5274

“Fitz Bitana [is] electrifying.” – Vincen Yu

8. Si Brylle Tabora (kaibigang manunulat) ang sumulat ng synopsis ng dula.
Hindi ako mahusay sumulat ng synopsis. Lalong hindi ako mahusay sumulat sa Ingles. Kaya sa nagdaang apat na dula ko sa VLF, ibang tao ang sumusulat ng buod na inilalagay sa festival program. Si Haya Soluta ang sumulat ng synopsis ng “Owel”. Si Kate Angeles ang sa “Goldfish”. Si Mae Cacanindin naman sa “Guryon”.

DSCF5291

“Pilipinas Kong Mahal With All the Overcoat can use some trimming but it proves to be a highly ambitious and imaginative piece in tackling the advent of fake news.” – Vincen Yu

DSCF5246

“Eljay Deldoc, on his fifth year in the Virgin Labfest and fresh from a two-festival run of Guryon, came up with this year’s most outrageously funny play. In a time when the task of spreading fake news articles is already reduced to the click of a button, Deldoc’s work poses as a social commentary on how easily people are swayed by what they read online and how this is taken advantage by people in power.” – Rafael Cancino

9. Tinanggap ni Chunchi Cabasaan ang role kahit hindi pa niya nababasa ang script.
Expected naman daw niya na bakla ang role niya nung tawagan siya ni Direk Roobak. Pero to his surprise, gaganap din siyang babae. Nakamaraming pegs at character explorations si Chunchi bago niya ipinako ang kanyang Tito Alfie at Cong. Jaimee’s secretary.

DSCF5002

Halos 3/4 ng punchlines ng characters niya ay adlib/improv. Example, the ever bentang “And you… you chubby little boy!”.

DSCF5355

“The absurd comedy factor that made the show a riot was care of Chunchi Cabasaan and Anthony Falcon who played up the caricatures of various popular celebrities.” – Fred Hawson

10. Si Anthony Falcon ay patunay na “huli man daw at magaling, naihahabol din”.
Hindi kami nakasali sa official pictorial ng Labfest dahil hindi pa kumpleto ang cast noong araw ng photo shoot. Wala pang gaganap na “Ministro” at “Bodyguard”. Matapos ang matagal na paghahanap, dumating siya na para bang hulog ng langit. And the rest is history.

DSCF5311

“NKKTW. NKKLK. [Si Anthony Falcon].” – Alvin Dacanay

DSCF5327

“ANTHONY FALCON was a delight to watch in two different roles in one show! ❤️ He stole the show through sheer, scintillating, comedic talent! Great show and excellent cast! But to be candid, Anthony’s impeccable timing, hilarious characterizations and amazing stage presence were golden showstoppers that readily merited rowdy audience laughter and a well earned exit applause. Bravo!” – Bernardo Bernardo

DSCF5010

“A riot as a fundamentalist minister.” – Vincen Yu

11. Apat na oras lang ni-reblock ni Direk Tuxqs Rutaquio ang dula, dalawang araw bago ang dress-technical rehearsals.
Dahil mapagbiro ang tadhana, isang nakababaliw na plot twist ang nangyari sa pagbuo namin ng palabas. Isang linggo bago ang opening show, nalaman ko na ang nirerehearse ng grupo ay ang outdated draft ng dula. As if hindi pa ito sapat para mag-panic kami, pinapalitan pa ang set design. Syempre, naloka ang lahat. Isa ito marahil sa dahilan kung bakit tumaas ang presyon ni Direk Roobak. Sa gitna ng kawalang kasiguraduhan, pumasok si Direk Tuxqs para ituloy ang laban. Salamat sa mahabaging Diyos, umabot kami.

20179750_10212229103914824_2128212701_n

Ang makasaysayang gabi kung kailan namin nalaman ang nirerehearse nilang script ay hindi revised. Makikita sa litratong ito ang initial set design.

20134493_10212229103794821_1201570550_n

Crunch time to the highest level! Dumugo ilong ko, literally!

DSCF5239

When everything fell into place.

12. Matapos i-announce ang revisited plays, natupad ang isa sa mga pangarap ko — ang maulanan ng confetti.
Syempre, masaya ako na maitatanghal ulit sa Virgin Labfest 14 ang aming dula. Masaya ako na tatlo sa apat na dulang naisulat ko at natanggap sa VLF ay kabilang sa Revisited Set. Pero iba ‘yung saya ko nung bumuhos na ang confetti. Parang concert! Parang birthday bash sa ABS-CBN!

https://www.facebook.com/plugins/video.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Ftamxdecastro%2Fvideos%2F10212558180844062%2F&show_text=0&width=560

Hindi ko itatanggi, napakasarap sa pakiramdam ang tagumpay na tinamo ng “Pilipinas Kong Mahal”. Masarap ang mga pagbati at papuri. Masarap ang positibong reviews. Masarap ang standing ovation. Marasap ang revisited.

DSCF5238

Pero mas masarap at mas masaya sa dibdib ang makita ‘yung ngiti ng cast… ‘yung improvement ni Hartzel Lim (ang aming stage manager)… ‘yung pagbisita ni Direk Roobak kahit hindi pa siya fully recovered… ‘yung maging inspirasyon sa mga kapwa batang manunulat. Mas masarap ‘yung affirmation na hindi ako nag-iisa sa mga galit, frustration, pag-asa, at pag-ibig na isinulat ko sa dula.

19894906_10211399434596427_6273135528804294610_n

WAGAS!

Sa inyong lahat na kasama at kaisa namin sa paghuhubad ng PILIPINAS KONG MAHAL WITH ALL THE OVERCOAT, maraming maraming salamat! Hanggang sa susunod na pagbubukas ng tabing!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s