100+ People and 1 Animal of My 2017

Higit sa mga bagong karanasan, mga papuri at pagkilala, at mga natupad na pangarap, ang espesyal na regalo sa akin ng patapos na taon ay ang mga tao at hayop na naging kaibigan, katrabaho, at pamilya.

Sa pagsasara ng 2017, nais ko silang pasalamat sa pagpapamalas at pagpapadanas sa akin ng mas malawak na mundo.

The Quiapo Collective
Salamat, Sir Ricky Lee, dahil ang bida ay hindi na fish out of water matapos ang workshop natin. Maraming maraming salamat, Sir, sa buong puso mong pagbabahagi ng sarili. Salamat, Betch Fifteam, sa walang maliw na pagsuporta sa pangangahas ng bawat isa.

17021373_10210959399573009_6416924326147626050_n

Salamat, Carlo Catu, sa pagtuturo sa akin ng Kapampangan. Salamat, Brylle Tabora, para sa paniniwala sa “Batang Bulig” at sa pagsulat ng synopsis ng “Pilipinas Kong Mahal”. Salamat Iris Lee sa nakababaliw nating trip to Ilocos. Salamat Gian Abrahan, Rod Marmol, at Alpha Habon sa papalipad pa lang natin na kaaswangan. Salamat, Mick Tuyay, sa pagsasabing “Keep writing and fighting, Eljay, for the things you believe in the most for your heart is at the right place.”

17264687_1619646564718422_1696684749583742120_n

Ang Muling Pamumukadkad ng Vanda sanderiana
Salamat sa inyo, Chase Salazar, Liway Gabo, at Jessette Namin, sa pagtitiwala na mabibigyan ko kayo ng isang makabuluhang materyal para sa inyong thesis production. Salamat, Mara Marasigan, para sa pagbuo ng dulang akala ko ay hindi ko maisusulat. Sinubok ako ng kolaborasyon nating ito. Gusto ko pa. Gawa pa tayo.

17553429_10208768353868201_1986120434049613419_n

Sylvia Q.
Salamat, Fitz Bitana, sa pagtitiwala na maisusulat ko ang isa sa dalawang dulang magpapagraduate sa’yo. Ang husay mo, gago! Salamat Karenina Romualdez, Jules dela Paz, Jerome Ignacio, at Sir George de Jesus III, para sa kapuri-puri ninyong pagbibigay buhay sa mga tauhan ng dula. Salamat sa pagtuturo sa akin na sa pag-ibig, walang naghaharing uri.

18527839_10155239991122910_4844616059890008271_n

MarJo
Salamat, Gershom Chua, para sa imbitasyon na manood ng premier night ng “Labs Kita, Okay Ka Lang?” restored version. Dahil sa’yo, natupad ang jologs dream ko na makausap sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

16002898_10210526070140044_6207434487082994148_n

DirectWithHotels Ltd.
Salamat, PH-2 Team, para sa memorable first time in Boracay. Salamat, Joan Banez, para sa walang sawang pag-unawa at pagsuporta sa mga gusto kong gawin kapag wala ako sa opisina. Salamat, Leslie dela Cruz, para sa pagpapanatili ng sanity ko from 11 am to 10 pm, Mondays to Fridays (depende kung work form home).

DSCF8577

8686041649789032990

PUP Sining-Lahi Polyrepertory
Salamat, Polyrep, sa pagtatanghal ng “Si Maria Isabella at ang Guryon ng mga Tala”. Salamat, Anderi Vegas, sa pangangahas na i-direk ang “Para Kay B” para sa inyong batch anniversary. Medyo suki na rin ng Polyrep. See you next year kasama si Riki Benedicto.

17202917_10208923966399319_8373389766310489983_n

The Rhetoricians and Friends
Salamat, Rheto, sa pagpapaangkas sa akin sa Cambodia-Vietnam trip. Sobrang saya ng unang out of the country trip ko na kayo ang kasama. Sa uulitin, Calai Dimayuga, Louie Aguila, Joe Garcia, Jen Padua, Lea Noguera, Quiza Montealegre, Shyn Valdeabella, Far Ocampo, Pao Penaranda, at Drew Espenocilla!

DSCF1568

DSCF1040

Pilipinas Kong Mahal With All The Overcoat
Salamat, Sirs Roday Vera, Roobak Valle, and Tuxqs Rutaquio, sa wagas na wagas na tiwala sa aking dula. Fitz Bitana, Paul Jake Paule, Chunchi Cabasaan, at Anthony Falcon, maraming maraming salamat sa pagbibigay sa amin ng isang riot na palabas. See you next year!

19894906_10211399434596427_6273135528804294610_n

Kiko Miranda
Kapatid, maraming salamat para sa isang napakaproduktibong taon. Hindi ko akalaing magiging mayabong ang ating kolaborasyon kahit pa LDR tayo. Sabik ako sa marami pa nating gagawin. Panood ako ng short film!

19875385_1597221110289944_1755565774642801907_n

I Heart Davao
Salamat, Direk Chris Martinez, sa pagkakataong makatrabaho ka para sa isang serye. Mananatili kang isa sa aking mga lodi. Dwein Baltazar and Carlo Vergara, karangalan na makasama kayong magsulat. Direk Marlon, salanat muli. Gagawa pa tayo ng obrang naghahanap ng away.

17799940_10154684351624514_4800360046010691040_n

Artistang Artlets
Salamat, AA, sa pagbibigay ng bagong buhay at kulay sa “Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal”. Salamat sa inyo, Diane Gundaya at Elaine Veloso. Excited ako para sa mga susunod nating proyekto in the near future. Ipagpatuloy ang kahusayan at kababaang loob.

21687708_10212751036402810_8086279957138057820_n

Ivy Rose Uy and Krista Tudtud
Ivy, salamat sa masaya nating trip sa Dos Palmas Palawan. Hindi ko malilimutan na ikaw ang kasama at kahawak kamay ko sa unang beses kong mag-scuba dive. Krista, salamat sa short and sweet escape natin sa Bohol. Sa susunod, mas mahabang ATV ride na, yes?

DSCF7002

DSCF3608

Meryl Panuncio and Nel Murga
Sobrang daming thank you, Mer at Nel, para sa kabaitan ninyo na samahan kami ng pamilya ko sa Iloilo-Guimaras trip. Salamat sa pagpapasaya ng 28th birthday ko. Halong!

DSCF7958

DSCF8551

Salu-Sining Team
Maraming salamat, Direk Joey Ting, para sa imbitasyon na magsulat ng dula. Salamat, G. Romnick at Gng. Harlene Sarmienta, para sa pagkakataon. Salamat sa mahuhusay na aktor na sina Vincent Pajara, Matel Patayon, Tracy Quila, Sarina Sasaki, Chase Salazar, at Gabo Tolentino.

21192370_10212594873138826_158981385937924507_n

Bongga Ka ‘Day Team
Salamat, Zig “Ms. F” Dulay, sa muling pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makatrabaho ka. Sayang at wala ka nung trip sa Cebu. Pero alam kong marami pa tayong mararating. Simulan natin sa Malate at sa pagsakay sa skateboard.

DSCF0999

DSCF1149

Lukot-Lukot, Bilog-Bilog
Salamat, Abner Delina Jr., para sa isang makabuluhang kolaborasyon na wala sa hinagap natin magiging highlight pala ng taong ito. Salamat sa umaatikabong mga diskusyon sa telepono at sa Pancake House. Salamat, Krystle Valentino, Chritine Bas, at Jerome Canlas, sa nakaaaliw at nakababaliw na pagganap ninyo sa original run ng dula. Saludo! Salamat, Hazel Guttierez, sa pagkakataon.

21370989_10155663729551112_2598399507367889171_n

20914744_10155603489781112_4836585334340965018_n

Actors Company and Tanghalang Pilipino
Salamat, Tata Nading Josef, sa pagbibigay puwang sa kwento ni Gwyneth sa season line-up ng TP. Hindi ko akalain na malayo ang mararating ng “Lukot-Lukot”. Salamat, Ms. Carmela Manuel at Ms. Liesl Batucan, sa tiwala at pagkilala. Salamat, Marco Viana, sa napakagandang pamaskong regalo ng iyong puso ay talento. Salamat, Blanche Buhia at Eunice Pacia, sa inyong Gwyneth at Jing-Jing. Salamat, Joshua Tayco, Toni Go, Doray Dayao, Tad Tadioan, Lhorvie Nuevo, JV Ibesate, Ybes Bagadiong, at Aldo Vencilao! Salamat, Sir TJ Ramos, sa iyong musika. Palagi akong pinapangiti ng ating Christmas medley.

25353627_1012619662237746_7930747611490461822_n

Tabsing Kolektib
Salamat sa dalawang produksyon ngayong taon. Salamat sa patuloy na pagsugal para sa grupo. Salamat sa mga aral na ibinigay sa akin ng proseso sa pagbuo ng “Sorrowful, Sorrowful Mysteries”. Salamat kay Sir Manix Abrera sa pagpapaunlak! Salamat sa mga hindi bumibitiw. Salamat sa mga patuloy na natututo.

17883678_10155293117890555_5270723921755127981_n

20170329_011232

Pat Tandoc at Ivan Malaluan
Salamat, Pepat at Ivan, sa isang napakahabang 2017. Ang haba, ‘di ba? Salamat dahil sa kabila ng kadiablohan at kaobitan, hindi kayo nagsawang umakyat sa fourth floor. Special thanks rin kay Tita Elvie para sa pag-spoil sa atin.

19904881_10211783023348259_336084094933322616_n

20170304_150427

Para Kay B
Maraming salamat sa uniberso dahil itinakdang kayo ang makasama ko sa muling pagtatanghal ng dulang ito. Mahigpit na yakap sa inyong lahat, Drew Espenocilla, Eunize Milante, Phi Palmos, Joe Garcia, Nikki Macatingrao, Tenten Catapang, Iggy Zuniga, Ivan Malaluan, Pat Tandoc, Mike Ona, Krystle Campos, Tracy Quila, at Chase Salazar. Maraming salamat din, Maru Macabontoc, Jazz Adornado, Yuka Labarentos, at Rena Lazaro.

24068116_10213275889683814_7793034672072493153_n

26195560_1957739304240756_5172926063197287283_n

Bihon sa Batangas Team
Hindi ko inasahan ang pagiging bahagi ng pamilyang ito. Pero uniberso ang mismong nagdala sa akin para makilala kayo. Maraming salamat, mga kapwa manggagawang kultural: Chic San Agustin, Vincent Pajara, Gry Gimena, Jarden de Guzman, Niccolo Magno, Jules dela Paz, Fitz Bitana, Karenina Romualdez, Mark Dalacat, Tope Kliatchko, Delphine Buencamino, Nar Cabico, Gino Ramirez, at Raflesia Bravo. Pag-ibig at pag-ibig para sa inyo, Phi at Opa Santos. Grabe rin ang taong ito sa atin, Opa. Remember Baguio?Palagi kong pananabikan ang pagtatapos ng taon dahil sa inyo.

26047089_10215131315017459_5646905146249111760_n

20170316_082901

Kate Bolao and Drew Espenocilla
Sa magpinsang ito, maraming salamat sa pag-welcome sa akin kahit lagi ako nag-iiwan ng hindi nahugasan na stuff, kahit na hindi ako marunong magsara ng pinto, at kahit na hindi ko nababalik sa ref ang tubig/juice/Coke. Para sa mas marami pang Yellowcab chicken alfredo at Mc nuggets. Salamat, Kate, sa masasarap mong luto nung hindi ka pa busy. Salamat, Drew, dahil pumayag kang makilala si Catu. Hahaha! Para sa marami pang imprenta, brainstorming, delata, red tea, sushi, at good moreearnings!

23032909_10155940210000555_2875079242288759313_n

20170607_105132

Family
Tatay, Nanay, Ate, Chichi, Kevin, Bie, and Bebeboi, salamat sa siksik, liglig, at umaapaw na 2017. Ang dami nating naging celebration. Ang dami rin nating narating. Si Chichi nga, umabot pa sa Dubai. I LOVE YOU, FAMBAM!

16002939_10210572409578501_2255391321511018477_n

18485978_10211674782817143_5912371469933369969_n

DSCF8830

DSCF8198

DSCF7052

DSCF2074

Panda
Sa lahat ng naging aso ko/namin, si Panda lang ang hindi gustong palayasin ng Nanay ko. Salamat, Panda, for making 2017 a lot cuter and lovelier! Ready na tayo sa Year of the Dog!

22414350_1660958117250091_569196833_n

26197609_523252201401244_1191547957_n

2017, maraming maraming maraming salamat sa ibinuhos mong blessings.

2018, alam kong you will be filled with love, joy, and provisions dahil sa bawat pagpapalit ng taon, the possibilities are…

IMG_0028

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s