Ang Una at Huling Blog Entry Ko Ngayong 2018

Ito ang una at huling blog entry ko ngayong 2018. (Pero 2019 na na-post.)

May kaunting guilt dahil sa higit tatlong daang araw, hindi man lang ako nakasulat ng bagong akda para sa blog na ito. Masyado nga sigurong naging abala ang magtatapos na taon. Pero walang panghihinayang. Dahil sa mga pagkakataon na puwede sanang tumula, ako naman ay nakasakay sa tricycle, bus, ibabaw ng jeep, habal-habal, balsa, bangka, eroplano, ferry, Angkas, Grab share, van, at tren. Walang duda, ang 2018 ay isang mahabang taon ng pagbabiyahe.

IMG_20180322_013225.jpg

Gaya nang nakagawian, sa huling araw ng taon (dahil kahapon ko pa ‘to sinusulat), babalikan ko ang mga tao, lugar, okasyon, trabaho, problema, at tagumpay na dinaanan ko sa ‘sangkaterbang lakwatsa na pumuno sa nakalipas na labindalawang buwan.

1. Biyaheng Mt. Pulag

Ngayong taon, bumalik ako sa pag-akyat sa bundok. Kung kailan wala sa kondisyon ang katawan ko at timbang. Ang mayroon lang ako, lakas ng loob, mapagpasensyang mga kaibigan, at patung-patong na damit. Hindi ko narating ang summit, pero sapat nang na-conquer ko ang sarili ko. Dahil mahirap umakyat ng bundok lalo na kung ‘simbigat ko. Pero nakakaadik. Yung lamig na hindi galing sa buga ng aircon at nanunuot sa buto. Yung laksang bituin na hindi mo makikita sa dami ng ilaw sa Maynila. Yung katahimikan ng gubat na bihira mo nang maririnig. Yung bukang-liwayway na madalas hindi mo inaabutan dahil puyat ka nung nagdaang gabi. Yung pakiramdam na nasa ibabaw ka ng ulap.

26804511_10213638660112848_8391913277484331722_n

Heto ang travel video na ginawa ni Drew Espenocilla, ang Bicolanong Lakwatsero: https://bit.ly/2EXdfO2.

26904400_10156173687760555_5518016177706053197_n

Bonus sa biyaheng ito ang side trip sa Baguio at sa ilan pang scenic spots sa Benguet.

27072765_10213666507849024_2045872737681714837_n

26993701_10213657986956007_5842972699685427652_n

2. Biyaheng Pineapple Lab

Isang matagumpay na collaboration ang dulang “Nobenta Nostalgia: A Monomusical” na bahagi ng Fringe 2018. Humanga ako sa dedikasyon ni Phi Palmos na ilaban hindi lang ang isang one-man show, kundi pati na rin ang pagbuo ng maliit na artictic team na noong show na lang nagkita-kita. Saludo rin ako syempre kina Marco Viana (director), Cyril Balderama (choreographer), Obel Alalong (musicl director), Nar Cabico (composer), Mike Ona (composer), at Toni Go (production manager). Kaunti lang ang nakapanood ng palabas na ito. Pero umaasa kami (at nagsisikap, lalo na si Phi) na muling buksan ang tabing para sa isang full lenght play about the 90’s TV we dearly love and fondly miss.

27973099_10210357047836316_8333664974277305934_n

Heto ang pasilip sa pinakapaborito kong kanta: https://bit.ly/2EZ3TCe.

28167812_10213897080093186_7262674065171562969_n

Heto naman ang review ni Totel de Jesus: https://bit.ly/2TeFxYe.

27331817_10213676512819142_2371066239955269942_n

3. Biyaheng Cebu (at Bohol)

Isa sa maraming privileges ng pinagtatrabahuhang opisina ang mapuntahan ang mga kliyenteng hotel. Most of the time, libre ang food at accommodation. This year, sa Jpark Island Resort and Waterpark kami bumisita. Pagkatapos ng business meeting at site visit, rest and recreation agad. Enjoy na enjoy sa towering waterslides, sa wave pool at kung anu-ano pang klase ng swimming pool, sa masarap na Korean at Chinese buffet, at sa pagkalambut-lambot na kama at mga unan. Fun and luxury in one place naman talaga.

28379838_10213987129104355_7659912263573809470_n

28782741_10213987133984477_6996725933419332865_n

Of course, may side trip sa ilang tourist attraction sa Cebu gaya ng flower farm na na-feature sa “Inday Will Always Love You” at templo ng Lola ni Ellen Adarna. May quick stop din sa Bohol dahil originally ay doon talaga dapat ang aming biyahe.

28378031_10213954705373782_2776689426592636605_n

28378745_10213940682703224_5604765275126958303_n

4. Biyaheng Caliraya at Hulugan Falls

Magdamag na tinahak ang aspaltadong daan mula Vito Cruz hanggang Lumban. Saglit na pumikit matapos ang ilang pirasong pandesal at tig-iisang bote ng alak. Pagdilat, nagbigay pugay sa isang masalamangkang bukang-liwayway. Sa pampang ng naiidlip na lawa ng Caliraya, sa ilalim ng mamula-mulang langit ng Laguna.

29542639_10214182529349239_4008019345234943989_n

29572898_10214181433801851_5165725342062456099_n

Mula Caliraya, dumiretso sa antuking bayan ng Luisiana. Puyat ang mga mata, ngawit ang mga likod na pinagkaitan ng kama. Saglit na naligaw hanggang sa wakas ay matunton ang pakay. Nilantakan ang ilang piraso ng longganisang Alaminos bago tumulak sa matatarik na daan tungo sa naghihintay na sorpresa. Tatlong talon na kinukulambuan ng lunti. Sulit ang pagod. Hindi alintana ang paghahabol-hininga.

29513292_10214190296503413_4837263640763396100_n

29572579_10214212816226392_5331912893371555283_n

5. Biyaheng San Pablo, Laguna

Sumuway na naman ako sa Mahal na Araw family tradition na dapat ay sa bahay lang. Lumuwas kami ng Laguna para puntahan ang isang pasyalan na college pa lang ako ay gusto ko nang marating — ang Lake Pandin! Sulit ang pagiging pasaway dahil masarap kumain sa dahon ng saging habang nasa balsa sa gitna ng lawa na walang nakakaalam kung gaano kalalim. Masarap ding lumutang-lutang kahit may kaunting kaba na baka hilahin ang paa ko ng undin.

29573160_10214247254407325_6287371750781549536_n

31297437_10214395466872544_2725490775389979829_n

Panalo rin ang overnight stay sa Sulyap Gallery, a smaller and more provincial version ng Las Casas Filipinas. At dahil Good Friday nung nagbakasyon kami dito, sumaglit ako sa sikat na simbahan ng San Pablo kung saan punung-puno ng mga tao na susunod sa prusisyon.

31317902_10214410444966987_3627968591687553403_n

Heto ang travel video ni Bicolanong Lakwatsero: https://bit.ly/2GNPBWK.

6. Biyaheng Baguio

Sobrang hindi inasahan, pero pinalad akong makasali sa 57th UP National Writers Workshop. Sinubukan ko lang ulit pero pinagbigyan. Nagisa man sa pagsasalang ng isang lumang dula, marami pa rin akong naiuwing aral mula sa mga mohon ng panitikang Filipino. Sobrang laking karangalan din na makadaupang palad si National Artist Bienvenido Lumbera.

30412618_10214274659772442_5168482122458556082_n

29595210_10214232809406209_5679383233779946810_n

Pero sabi nga ni Sir J. Neil Garcia, bumawi naman ako sa lecture na ibinahagi ko. At sa unang pagkakataon, naranasan kong magbasa ng sarili kong tula sa isang poetry slam event katunggali ang mahuhusay na makata ng Baguio.

29541592_10214199720699012_3185154132371555187_n

30725771_10214357321038922_8302597706903316591_n

7. Biyaheng Elbi

Wala man kaming production sa UPLB, nakailang balik ako ngayong taon para sa iba’t ibang okasyon. Una, naisipan kong mag-Feb Fair ulit. Wala masyadong nangyari, kakaunting kakilala at kaibigan ang nakita at nabati, pero masarap pa rin sa pakiramdam na umikot sa Freedom Park na para bang estudyante ka ulit.

27858287_10213872512679016_4375731026239546653_n

Ikalawa, naimbitahan ako na maging isa sa mga speaker ng ikalawang edition ng TED X UPLB. Salamat kay Maggie de Valle, ang masigasig na organizer ng event, nakapagbahagi ako ng maliit na adbokasiya patungkol sa pagbalik natin sa pagsusulat gamit ang ballpen at papel. Heto ang link para sa mga gustong mapanood ang “The Missing Ink”: https://bit.ly/2CGnvZr.

30688652_10214310056537339_8142662378606350172_n

30743111_1855760544442243_4859212031737200640_n

Ikatlo, dinalaw ko si Vincent Amores at ang Haring-Ibon UPLB sa kanilang orientation. Naudyukang magbigay ng testimonial bilang alumnus kaya ibinida ang mga proyekto noon ng organisasyon gaya ng recycling drive at ISKOLASTIK (Iskolar Laban sa Styro at Plastic). Sampung taon na kasing may plastic ban sa Los Banos. Oha!

mde

8. Biyaheng Pagbilao, Quezon

Dahil “waste no weekend” ang mantra, nakapag-quick getaway din kami sa Quezon kasama si Pat Tandoc na kung ilang taon nang hindi nakakapag-beach. Hindi kami napigilan ng matinding traffic sa San Pablo at ng mas matinding buhos ng ulan. Nakabalik ako sa Kuwebang Lampas, isa sa pinaka na-enjoy kong beach experience noon, at nakarating kami sa Bilaran Sandbar. Hindi na nakakapanghinayang ang isang buong magdamag na walang kuryente at walang ibang guest sa resort kundi kami.

32083871_10214479503173399_4440087016796848128_n

31562299_10214429216436262_4420407359681339018_n

9. Biyaheng Binondo

Kauuwi ko lang galing opisina nang bigla kong naisip na salubungin ang Year of the Dog sa Chinatown. Pero dahil traffic sa Maynila, nasa Uber (buhay pa ang Uber noon) pa kami pagsapit ng alas dose. Ang inabutan na lang namin ay ang usok ng mga paputok, mga tira-tirang plapla na ‘di pa nasisindihan, at hati-hating katawan ng dragon na buhat-buhat ng mga pagod na pagod na dancer. Ayos na rin dahil nakapitik kami ng ilang mala-Hongkong na litrato.

29570972_10214165556924939_2006288132796533834_n

28055761_10213864682963278_8821579058839945870_n

Bumalik ako sa Chinatown sa katapusan ng June sa pamamagitan ng entablado. Ipinalabas sa Solaire ang “Binondo, A Tsinoy Musical”, ang dula na isinulat namin nina Sir Ricky Lee at Gershom Chua. Sapat na reward na sa akin ang maging co-writer ni Sir Ricky. Pero may pa-bonus pang Aliw Award na talaga namang nakakabaliw!

32084547_10214484890988091_6047670001261871104_n

36770656_10214904054946928_6261678154218209280_n

10. Biyaheng Sapang Kawayan

Sa ikatlong pagkakataon, nakatrabaho ko ang Teatro Tomasino ng UST. Itinanghal nila ang “Kasaray Duma” noong Mayo at labis akong nasiyahan sa kanilang palabas. May isang beses na nakasabay naming manood si (destined to be Ms. Universe) Catriona Gray. At nakasakay din sa elevator kung saan sinisinghot namin ang parehong hangin. Nanood at nagbigay papauri rin si G. Jerry Respeto na lubhang nagpataba ng mataba ko ng puso.

29792142_10214268136929375_2627071809407433818_n

31944179_1855420954479310_782219394070609920_n

11. Biyaheng Mind Museum

Saglit na nagbakasyon sa Makati ang pamangkin na si Kevin. Bilang isang mapagmahal na tito, humanap ako ng mapagkakaabalahan noya para hindi niya sabihing boring ang summer in the city. Buti na lang may Metrodeal! Nakapag-fieldtrip kami sa very confusing at hindi well-maintained na museum sa BGC. Heto ang Sineskwela-inspired travel video na ginawa ko: https://bit.ly/2LGPHhJ.

31706647_10214441625506481_6272821575716700160_n

31697351_10214441676067745_6039922412835831808_n

12. Biyaheng Calaguas

Matagal na kaming nagpaplano nina Angel Caliwan at Joe Garcia na mag-beach. Sa wakas, ngayong taon, nakulayan na ang drawing. Totoo nga, parang Boracay ang beach ng Calaguas. Pino ang buhangin sa shore hanggang sa tubig na biglang-lalim. Marami ng turista kaya marami na ring kubo at tent. Pero hindi magulo. Tahimik ang lugar, ‘wag lang kayong makakatyempo ng kapwa turista na may dalang speaker. May scarcity ng yelo kaya mainam na magdala kung may balak na mag-alak. Kung seswertehin, makakatyempo ka ng magandang sunrise at sunset. Sarap ulitin!

33786513_10214618529128961_5736230455066230784_n

33788782_10214613011751030_2799461989930237952_n

13. Biyaheng Diliman

Humingi ng tulong si Mark Mirando para sa kanyang thesis production, ang “Liham sa Ama”, isang dulang base sa nobela ni Kafka. Kaunti lang ang naging partisipasyon ko pero ang essence ng biyaheng ito ay ang maging kaibigan sina Mark, Rainbow Gutierrez, JY Kim, at Sheryll Ceasico. Ngayong 2019, muli kong makakatrabaho sina Mark, JY, at Rainbow sa tatlong magkakaibang proyekto ng Dulaang Laboratoryo.

31598718_10214457721228864_5326682439806877696_n

cof

Isa pang biyaheng Diliman ang pagdalo ko sa UP Writers Night para sa paglulunsad ng newest anthology ng Likhaan. Pinalad na makasama sa librong ito ang “Pilipinas Kong Mahal With All the Overcoat”.

46843972_10215904368834150_3881547870234476544_n

14. Biyaheng CCP

Year 14 na ng The Virgin Labfest. Kasali sa Revisited Set ang dulang “Pilipinas Kong Mahal With All the Overcoat”. Espesyal ang edisyon na ito dahil nakatapak ako sa stage ng Tanghalang Huseng Batute bilang stand-in ni Chunchi Cabasaan. Nasa ibang bansa kasi si doktora nung technicals and dress rehearsal. Nag-update din ako ng script dahil sa dami ng kabulastugang nangyari sa bansa. (FACT: Updated din ang script na na-publish sa Likhaan anthology.)

33988283_10214625126213884_4155250833040080896_n

36003249_10214123751702652_9198228645468962816_n

35747276_10214782054456992_735757795072147456_n

15. Biyaheng MD Cruz

Dahil MD Cruz lang naman ang malapit na resort sa bahay namin sa Hagonoy, dito ang go-to venue ng mga espesyal na okasyon ng mga kaibigan at kapamilya. This year, nag-semi-reunion kaming mga high school bathcmates. Sa araw na ito ko natutuhan ang ibig sabihin ng “Sharonan” — ang pagbabalot ng pagkain pagkatapos ng okasyon para iuwi. (Pasok Ate Shawie: “Balutin mo ako sa liwanag ng iyong pagmamahal…”)

28166561_10213907160145181_1385948839661409510_n

Dito rin sa MD Cruz kami nag-celebrate ng Mothers’ Day. May pa-lechon sa mayor!

32399233_10214526045456927_9081445873350606848_n

16. Biyaheng Apo Island at Bais

Dahil sa 143 Sale ng Cebu Pacific, nakabalik ako sa Dumaguete kasama si Drew. Siksik, liglig, at umaapaw sa masasayang memories ang trip na ito at mahirap nang ikuwento pa nang detalyado. Basta tumawid kami sa Apo Island para makipagswimming sa mga pawikan, nag-snorkel at nakakita ng mga “videoke corals”, lumibot sa Silliman University kasama sina Hayahay Soluta (na galing pang Cebu) at Kate Angeles (na last minute nag-book ng flight), nag-foodtrip sa boulevard, nag-dolphin watching sa Bais, at naglunoy sa Manjuyod Sandbar.

35855958_10214784382915202_7716174360926486528_n

35883037_10214816277832555_1447975162157727744_n

17. Biyaheng Siquijor

Tinupad ko ang pangakong babalik ako sa islang ito. At nangako ulit na babalik pa. It’s official, Siquijor ang pinakapaborito kong Philippine destination (so far!). Matapos ang ilang taong pag-iipon ng lakas ng loob, nakatalon ako (o hinagis?) sa 25-feet cliff ng Salagdoong Beach. Heto ang video: https://bit.ly/2BNy3Ey.

36037947_10214810305203243_7275754670499299328_n

35895357_10214789461482163_9114089364261961728_n

18. Biyaheng NAIA

After one year and three months, umuwi si Chin-Chin galing Dubai! May pasalubong akong tsokolate at shawl.

33171954_10214582383465342_1661231223390863360_n

cof

19. Biyaheng PHSA

Ngayong taon, bumalik ako sa pagtuturo. Sa Philippine High School for the Arts! May anim akong estudyante sa Playwriting class: sina Tomas Santos, James Lanante, Ezra Estranero, Kyrie Samodio, Ainah Remonte, at Daniel Ben. Mahuhusay silang lahat. Sulit palagi ang linggo-linggong pagluwas sa Elbi. Hindi ko alam kung may natutuhan talaga sila sa akin. Pero maliit na tagumpay na ang pagluluwal nila ng first at second draft ng kanilang one-act play.

edf

Nitong December lang, umkayat sa Makiling ang ilan sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan upang basahin at bigyang puna ang mga akda ng tatlo sa aking mga mag-aaral. Ngayong January, may tatlo pang sasalang.

48237097_10216020992709674_4797565558683860992_n

20. Biyaheng Dingalan, Aurora

Naglakbay ng kulang-kulang limang oras patungong Dingalan dahil kumpleto na ulit ang fambam. Hindi man biniyayaan ng magandang sikat ng araw, tuloy pa rin ang aura sa Aurora. Worth it ang pagpapapawis para matanaw ang Batanes of the East at ang pagsuong sa medyo malalaking alon para makalangoy sa loob ng malaking kuweba. Hindi rin nakapigil ang ginaw sa paglublob sa beach at sa falls.

37511279_10215184157869326_2357491300913119232_n

42299180_10215444884107319_4906600072361279488_n

39186548_10215177474462245_5280231144434958336_n

21. Biyaheng Simbahan

Ang 2018 ay taon ng kasalan. Noong April, nauwi rin sa simabahan sina Ranie at Krista. Noong August naman, lumipad kami ng Cagayan de Oro para sa kasalang Ian at TJ. At nito lang December, umulan ng damdamin sa pag-iisang dibdib nina Rod at Ate Reg.

31394374_10214436777487781_7774425134051360768_n

bty

49087114_10216149226155430_2230059668485439488_n

22. Biyaheng Bukidnon

Nasa CDO na lang din naman, napagpasyahan naming gumala sa Dahilayan Adventure Park. Hindi kami nakapag-zipline dahil umulan. Ibig sabihin, nauwi kami sa isang masayang road trip na pinatamis ng durian, rambutan, at mangosteen.

40306624_10215280660161823_5696942525193912320_n

23. Biyaheng Surigao del Sur

Lumapag sa Butuan City sa Agusan del Norte, tapos ay bumiyahe nang kung ilang oras papunta sa Hinatuan para masilayan ang Enchanted River na hindi na pwede liguan. Ang highlight ng trip ay ang pakikipaglaro sa mga giant sting ray, paghabol sa sunset, at ang glorious sunrise sa Rock Island.

sdr

edf

24. Biyaheng Siargao

Tatlong beses akong lumipad sa Siargao ngayong 2018. Bawat biyahe, sobrang unforgettable. Sa unang beses, nasubukan kong mag-surf. Stoked AF pagkatapos. Sa ikalawang beses, nakapamasyal kami sa Sugba Lagoon at Kawhagan Beach. Sa ikatlong beses, halos makipag-away ako sa mga pulis sa isla.

35553302_10214772028126340_2650171383442571264_n

40597828_10215308848586516_5390823399800963072_n

sdr

sdr

bty

bty

25. Biyaheng Miriam College

Isa ito sa pinakamatinding biyahe ko ngayong taon. Sobrang laking pribilehiyo at responsibilidad ang mabigyan ng grant ng Forest Foundation Philippines para mag-mount ng stage play na tungkol sa pangangalaga sa kagubatan. Sa tulong ng mahuhusay at maaasahang mga kaibigan sa teatro, nailunsad ang dulang “Ang Higanteng Haligi sa Hilaga”. Groundbreaking para sa amin ang produksyong ito dahil unang beses naming nakaranas ng lehitimong TDR. Unang beses ko ring ma-experience na petiks na ako bilang direktor by 7pm a day before the show. Sa proyekto ring ito nasolido ang bago kong mantra na “choose your battles”.

46816806_1391340034336274_6341854138388709376_n

Higanteng_Haligi_Poster

46804815_1391347337668877_5551856803358179328_n

26. Biyaheng Taft

Lagari ang November ko dahil sa dalawang proyekto sa Taft. Una, ang adaptation workshop para sa Harlequin Theater Guild ng La Salle. Abangan ang kanilang DULASALLE ngayong 2019 at tingnan natin kung may napulot ba sila sa apat na araw na palihan.

46519891_2357145710981666_3915288875613814784_n

46506025_2357101320986105_2682813783432232960_n

Ikalawa, ang dulang “Alyas July” para sa Dulaang Filipino ng College of St. Benilde. Pangalawang proyekto namin ni Riki Benedicto. Nagtagumpay naman kami na ibaon na sa limot ang bangungot ng Hercules. Heto ang isang review ng play: https://bit.ly/2BUJHgK.

46739855_10215910225020551_223636554805936128_n

45624452_10215777121853055_3724875473390403584_n

27. Biyaheng Tali Beach

After ilang years, ngayon lang ulit ako pumatol sa office outing na hindi lang teammates ang kasama. Masaya ang getaway na ito. Maraming pagkain, maraming tawa, maraming alak (pero ‘di ako halos uminom), maraming kuwento. May pabulalo pa sa Tagaytay bago ang mahabang biyahe pabalik ng Maynila.

47129251_269766420408145_5168261840949477376_n

28. Biyaheng Jupiter

Ito ang pinakamasayang Christmas party ko ngayong taon. May paandar na Bohemian theme kaya nag-effort na magbihis at nang-abala ng kaibigan para manahi. Ang daming naiuwing regalo at papremyo (at planner, Shiela!), pero ang cherry on top ay ang pagkamit ng grand prize sa chong-wan.

48918846_10216071692657141_8017171488710852608_n

48423009_10216076857586261_3561535517776412672_n

29. Biyaheng Morong, Bataan

Isa pang matagal nang balak gawin ng mga kaibigan ko ay ang sumama sa Pawikan Release ng Haring-Ibon UPLB. Sa wakas, natuloy na. Sulit ang pagkahabang biyahe papuntang Morong nang makita at mapakawalan sa pampang ang mga baby pawikan. Hindi nga lang kami sinuwerte na makakita ng nangingitlog na mother pawikan. Second time ko na ito pero masarap pa rin sa pakiramdam. Lalo na ‘yung makapag-recite ng preamble sa harap ng dagat kasama ang mga batang miyembro ng organisasyon.

48382998_10216078381224351_41241444207296512_n

48357995_10216045656886263_1729714657314209792_n

30. Biyaheng Bago Bantay

Ikatlong taon na ng Long Life Year-end Party. Mas matindi ang laban sa Any-Any Quiz Game. Mas mahigpit ang agawan sa White Elephant. At mas intense ang Manifestations Ritual kasama ang mas lumalaking circle. Punung-puno ang sikmura at puso ko matapos ang gabing ito.

49089542_10216142739233261_691282824606515200_n

31. Biyaheng Bente Nuebe

Twenty nine na ako. Less cheesy, more cheese. Less whining, more wine. Dami kong thank you sa nagdaang taon. Hindi ako ang pinakamabuting tao sa mundo pero patuloy ang pagpapala na ibinubuhos sa iba’t ibang anyo. Kaya dapat magpasalamat. Nang paulit-ulit.

edf

edf

Bukod sa mga major biyahe, mayroon din akong mga side trip na mas kumumpleto sa aking 2018.

1. Biyaheng Maginhawa

Hiniram ng mag-asawang Dan at Chic ang mga tula ko sa blog na ito para sa isang event.

27749919_10213785515504141_2535861584309851965_n

2. Biyaheng Zamboanga

Nakasali sa local festival at umani ng ilang award ang short film na “Pag-ibig Lang ang Meron Tayo” na hango sa one-act play na sinulat ko (with the same title).

28279802_2068414196534550_5300874818324582753_n

3. Isa Pang Biyaheng Cebu

Panalo sa rating ang pilot week ng “Inday Will Always Love You”. Nakadalaw pa sa set ang Nanay at Ate ko dahil sa Hagonoy ang isa sa location ng teleserye.

33107406_10214574922318818_7087429365411086336_n

4. Biyaheng Panulat

Nagbigay ng maikling talk si Sir Ricky Lee para sa mga estudyante ng WRITE University. Sabit ako bilang isa sa mga co-writer niya ng Binondo, A Tsinoy Musical. Na-late man dahil sa traffic, nakapagbahagi pa rin sa Q&A session ukol sa sariling panulat at sa pagsulat ng dula kasama ang isang alamat.

34439608_10214663073402540_2233334134372040704_n

Naimbitahan rin ako ng LAPIS para makipagkwentuhan tungkol sa dulaang Filipino. Kasama si Maestro Bonifacio Ilagan at Eros Atalia II.

37025562_10214933369679778_6282865043205783552_n

5. Biyaheng Sorsogon

Kinomisyon ako ni Lui Villaruz na sumulat ng storyline ng music video ng kantang “Kahit Na” ng Truefaith. Sa Sorsogon ito kinunan. Panoorin dito: https://bit.ly/2Rlsebl.

36628984_10214882570769837_6377895798834724864_n

6. Biyaheng MOA

Inilunsad sa 39th Manila International Book Fair ang antolohiya ng mga radikal na kuwentong pambata kung saan kasama ang aking akda na “Kulang ang Sampay ni Nanay”.

41310751_10215351868821995_7478663592875655168_n

7. Biyaheng Pasay

Sinupresa namin si Toni Go sa kanyang birthday. Magdamag na naglaro ng Wolf sa Selah Garden Hotel. Hindi nakaalis ang mga dapat aalis dahil umulan at dahil masarap humilata.

cof

8. Biyaheng Cavite

Nakapag-overnight stay kami sa The Bayleaf Cavite bilang pasasalamat nila sa win-win partnership with our company.

36729943_10214891185545201_2557681075199410176_n

Maraming ibinuhos na mga biyaya ang 2018. Marami ring hinarap na pagsubok, aberya, at disgrasya. Pero buhay pa ako. Buhay na buhay at handa na ulit sumikad, lumakad, lumipad, bumusina, maglayag, pumreno, humarurot, at umarangkada. Dahil may mga constant — gaya ng aking pamilya, mga totoong kaibigan, si Panda, si Drew, ang teatro, ang pagsusulat, ang universe, at si God — na alam kong hindi mang-iindian saanman ang susunod kong joyride.

Sana lang ngayong 2019 hindi magtaas ang presyo ng gasolina at ang surcharge ng Grab.

PAW_8445

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s