Six W’s and One H (dahil ang buhay ng writer is very poor and very sad at madalas walang silver lining)

Keynote Speech for the 18th Regional Higher Education Press Conference (January 9, 2019 | Tarlac State University – Lucinda Campus)

Magandang umaga sa ating lahat at pahabol na pagbati rin ng happy new year!

First of all, nais kong magpasalamat sa inyo, kay Doctor Glenn Calaguas lalo na, sa imbitasyon na makabisita dito sa Tarlac State University at makapagbahagi sa mga guro at mga batang mamamahayag na kalahok sa 18th Regional Higher Education Press Conference. Salamat sa pagkakataon at pribilehiyo.

49599617_1921276907985016_1257747551629606912_n

Let me start with a confession. When I was a student, I was not a presscon veteran. Isa o dalawang beses nga lang yata akong sumali noong elementary ako under the news writing category. Never akong nanalo kahit sa district level, so congratulations sa mga campus journalists na narito ngayon, gayundin sa inyong mga coach. Nung high school naman, kahit pa alam ng mga teacher ko na nagsusulat ako, hindi ako kailanman naging bahagi ng editorial staff ng Ang Alon o The Wave. Natatandaan ko, nagpapasa lang ako noon ng mga tula na maipapublish sa literary section. Pagdating ng college, mambabasa lang ako ng UPLB Perspective. Pero bago grumaduate, nakapagsulat ulit ako ng balita para sa community newspaper na requirement namin sa isang major subject. Umabot ako sa 4th or 5th draft bago naapprove ng EIC. Ang pangalan ng dyaryo naming ay Lantsa o motorboat; ang tagline “where news is current”. Nung nagsimula na akong magtrabaho, almost ten years ago, ni hindi sumagi sa isip ko na mag-apply sa dyaryo. Noong 2017 naman, inalok ako ng Philippine High School for the Arts na magturo ng journalism. Tinanggihan ko dahil hindi ko kayang lokohin ang mga estudyante.

snap 2019-01-11 at 13.47.08

UPLB Perspective Volume 34 Issue 2, 2017 October 22

Malinaw pa sa araw, hindi ako beterano ng campus journalism. Ang tanong ngayon, bakit ako nandito? Honestly, ‘yan din ang tanong ko kay Sir Calaguas. Bakit ako? Sabi niya, and this is verbatim, “we want you to inspire the students… we want them to realize that there is more to life after presscon”. And so I accepted the challenge. Susubukan ko ngayong mag-shed sa inyo ng silver lining dahil ang buhay ng isang manunulat is very poor and very sad and I’ve always taught myself to look for the beauty in it.

Kidding aside, a few years from now, gagraduate kayo. Pwede rin namang hindi. Pero mas okay na magtapos kayo ng pag-aaral. Pagkatanggap ninyo ng diploma, maghahanap kayo ng trabaho. Somewhere along the way, makakaligtaan ninyo ang excitement ng pagkakaroon ng by-line, ang challenge ng pagko-cover ng isang running story, at ang stress ng paglilinis ng mga proof. Hindi lahat sa inyo ay magiging journalist o broadcaster. And that’s okay. Isa sa mga natutuhan ko pagkalabas ko ng university, may mga pangarap na nagbabago. Pero sigurado ako na kahit saang industriya kayo dalhin ng mga papangarapin ninyo, hindi mawawala ang pagiging writer at storyteller deep inside each and every one of you. Somewhere along the way, malimutan ninyo man o pilit ninyo mang takasan, darating at darating ang sandali na hindi kayo makakatulog dahil may gusto kayong isulat. Pagkatapos ninyo ng kolehiyo, wala ng presscon. Unless, kayo ang papalit sa mga mentor n’yo ngayon. Pero isa lang ang pakiusap ko. Wag na wag kayong titigil sa pagsusulat, sa pagkukuwento. Dahil ngayon, higit kailanman, kailangan ng bansa natin ang mga manunulat.

Malaki at nakakatakot na hamon kung tutuusin. Kaya’t hindi ko naman kayo pipilitin. Kaya nga pakiusap lang. Malaya kayong tahakin ang anumang landas na inyong mapupusuan. Pero kung pagkatapos ng kolehiyo ay magdesisyon kayong magsulat pa rin o magsulat ulit bilang fictionist, makata, speech writer, playwright, scriptwriter, o blogger, isang simpleng bagay lang, sa tingin ko, ang dapat ninyong pakatandaan. Isang bagay na alam na alam ninyo na dahil paulit-ulit na ninyong narinig bilang mga student journalist. (May ideya kayo kung ano ang tinutukoy ko?) Ang 5 W’s and one H. this fundamental equation will always guide you to become better writers, better storytellers, and more critical thinkers.

46804815_1391347337668877_5551856803358179328_n

First W, WHO. Sino. Pakaisipin kung sino ka bilang manunulat. Ultimately, isa kang Pilipino. Magsulat ka man sa wikang Ingles, Taglog, o sa wika ng iyong rehiyon, tandaan mo na manunulat ka ng bayan. Unless, piliin mo na maging manunulot instead of manunulat. Palagi mong tanungin ang sarili, sino ang mambabasa mo? Magsulat ka para sa crush mo na kailanman ay hindi ka papansinin. Magsulat ka para sa alaga mong aso. Magsulat ka para sa pamilya, mga kaibigan, o fans kung meron man. Magsulat ka para sa Diyos. Magsulat ka para sa mga nagbubulag-bulagan at walang pakialam. Basta magsulat ka para sa iba, para sa kahit na sino. Huwag na huwag lang para sa sarili mo. Sa ganitong paraan, matutuklasan mo ang pinakamahalagang sino. Sino ang dahilan ng pagsusulat mo? Hindi mo agad ito masasagot. And that’s okay. Pero sa sandaling mahanap mo ang dahilan kung bakit ayaw mo nang bitawan ang ballpen, huwag na huwag mo nang pakakawalan.

Second W, WHAT. Ano ang isusulat mo? Ano ang ikukwento mo? Pwede kang maging Antonette Jadaone na mahusay sa love story. Pwede kang maging Howie Severino na matalas pagdating sa documentary. Pwede kang maging Ricky Lee na paboritong isulat ang istorya ng mga babae. Pwede ka ring maging Lang Leav o Juan Miguel Severo. Magsulat kayo ng erotica, ng dagli, ng kanta, ng picture book, ng dula tungkol sa LGBT. Magsulat kayo tungkol sa kahit na ano. Basta’t magsulat kayo ng totoo. Isang payo mula kay Jun Cruz Reyes ang palagi kong dala-dala kapag nagsusulat: bilang writer, ang trabaho raw natin ay tukuyin ang conflict ng ating panahon. Palagi raw tayong maghanap ng away. Palagi tayong maghanap ng ayaw. Payabungin natin ang diskursong mahusay na naglalarawan sa tunay na lagay ng bayan. Mainam din na laging itanong: ano ang halaga o silbi ng isusulat mo? Anong magagawa nito sakaling mabasa, marinig, o mapanood ng kahit na sino? Marami tayong pwedeng gawin. Magbulgar ka ng expose. Magredefine ka ng konsepto. Basagin mo ang mga lumang pananaw. Kwestyunin mo ang otoridad. Paunlarin mo ang isip ng mga special child. Galitin mo ang bayan. Basta huwag mong sasayangin ang buhay ng mga namatay na puno para maging papel. Huwag mong sayangin ang pagkakataon at pribilehiyo na malaman ng iba ang laman ng puso’t isip mo.

dscf4036 (2)

Jun Cruz Reyes

Third W, WHERE. Saan? Saan ka magsusulat? Sabi ni F. Sionil Jose, magsulat ka kahit saan, kahit sa loob ng piitan. Sa teknolohiyang mayroon tayo ngayon, napakaraming lugar kung saan pwede kang magkuwento. I-status mo sa FB. I-tweet mo. I-post mo sa blog. Gawin mong video at i-upload sa Youtube. I-text blast mo dahil palagi ka namang unli. I-share mo sa iba ang naisulat mo hindi para sa likes, sa reshare, at sa puso. Lalong hindi para mag-trending upang mai-feature ka sa Kapuso Mo, Jessica Soho. I-share mo para mamulat ang iba. Para magtanong sila. Para hindi nila malimutan ang lagay n gating bansa. Speaking of bansa, i-consider mo rin lagi kung saan mo ilalagay ang Pilipinas sa iyong mga akda. Okay lang namang magkuwento ng personal na naratibo. Pero mas mainam kung magagawa mong itaas ang diskurso ng sinulat mo sa lebel na sangkot ang bayan. Sa aking palagay, ‘yun ang tunay na kritikal. At one point, darating din sa’yo ang tanong na saan ka ba dadalhin ng mga isusulat mo. Kapag nangyari ‘to, posibleng matakot ka, magdalawang isip, at magduda. Saan nga ba nakakarating ang mga manunulat? Sa kaso ko ngayon, nakarating ako sa Tarlac. Pero pwera biro, marami kayong pwedeng kapuntahan. Posibleng humantong ka sa pagyaman kung palarin kang makapagsulat para sa TV networks, para sa film producers, at para sa corporate clients. Posibleng humantong kayo sa katanyagan dahil sa Palanca, sa mga award at recognition, at good reviews. Posible rin na maligaw ka. Posibleng sa kulungan ka pulutin gaya nang nangyari kay Liliosa Hilao, isang student journalist mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila noong panahon ng Martial Law. Saan ka man makarating, saan ka man dalhin ng iyong mga obra, dinadasal ko na ang panulat mo ay maging kapaki-pakinabang.

49612654_579239725852883_7449820688459759616_n

Litratong kuha ni Jomar Fama

Fourth W, WHEN. Kailan. Kailan ka magsusulat? Well, ikaw ang bahala. Magsulat ka kapag handa ka na. magsulat ka kapag buo na ang loob mo. Kapag gusto mo na. Kapag hindi mo na kayang manahimik. Kapag hindi mo na masikmura ang laman ng balita. Magsulat ka kapag may nais kang punahin at itama. Ikaw ang bahala kung kailan. Ikaw ang magtatakda. Kailan ka naman titigil sa pagsusulat? Kapag ba sawa ka na? Kapag puno na ng kalyo ang mga kamay mo? Kapag ba hindi na natanggal ang writer’s block? O kapag wala ng nagbabasa? Ang sagot ko ay ito. Tumigil ka sa pagsusulat kapag wala ng inaabusong mga manggagawang kontraktwal. Kapag wala ng pinapatay na OFW o kapag wala ng magulang at anak na kailangang mangibang-bansa. Kapag iginagalang na ang karapatang pantao. Kapag malinis na ulit ang hangin at ang tubig. Kapag wala ng pawikan na namamatay dahil sa pagkain ng plastic. Tumigil ka sa pagsusulat kapag nabuwag na ang mga political dynasty. Kapag libre na ang edukasyon. Kapag tahimik na muli ang buhay ng mga katutubo. Kapag binibigyang halaga na ang sining. Kapag mas tinatangkilik na natin ang mga pelikulang Pinoy kasya mga pelikula ng Marvel. Tumigil ka sa pagsusulat kapag hindi na makakalimutin ang mga Pilipino. Kapag natuto na tayo. Pero hangga’t nandyan pa ang lahat ng ito, magsulat ka. Magsulat nang magsulat. Mahalagang laging isalaysay ang karanasan ng bayan upang hindi mawala sa ating kamalayan.

Fifth W, WHY. Bakit. Bakit ka magsusulat? Sa limang W, ito ang pinakamadaling sagutin. Bakit ka magsusulat? Simple lang. Dahil sa kasalukuyang lagay ng bayan, ng kalikasan, ng pamahalaan, ng mundo, at ng sangkatauhan, walang dahilan para hindi magsulat.

And finally, one H, HOW. Paano. Paano mo gagamitin ang iyong panulat? Ikaw lang ang makapagsasabi. Tuklasin mo kung paano. Kamay mo ‘yan. Isip mo ‘yan. Ikaw ang magdidikta kung saan, kailan, at paano gagamitin at mapapakinabangan.

Basically, that’s it. Five W’s and one H.

49897442_10213500420366772_7853628617366962176_n

Uulitin ko, pagkatapos ng kolehiyo, alam kong hindi lahat kayo ay magiging manunulat. And that’s okay. Dahil ang buhay ng writer is very poor and very sad. Madalas, walang silver lining. Sabi nga ng isang FB status na nabasa ko, to hold a pen is to be at war. Kapag nagsusulat ka, hindi natatapos ang digmaan. Digmaan laban sa sarili. Digmaan laban sa mga kanser ng lipunan. Digmaan laban sa kritisismo, sa mga basher. Pero sa sandaling maisip ninyo na ayaw ninyo nang magsulat, itanong ninyo ang isa pang W sa inyong mga sarili. Ang pang-anim na W. WHAT IF. Kapag pagod na kayo at ayaw ninyo nang magsulat, ask yourselves: what if wala ng manunulat? What if wala ng nagkukuwento? What if wala ng press freedom? What if wala na ang ating kalayaan? What if hindi na sa atin ang Pilipinas?

Muli, maraming salamat sa imbitasyon. Nainspire ko man kayo o hindi, i-message ninyo lang ako sa Facebook at doon natin ituloy ang kwentuhan. Hangad ko ang tagumpay ng 18th RHEPC.

 

Advertisements

One thought on “Six W’s and One H (dahil ang buhay ng writer is very poor and very sad at madalas walang silver lining)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s