Ordinaryo Lang Naman Dapat

_DSC6580

Ordinaryo lang naman dapat
ang ikalabing-apat ng Pebrero.
Pero nagiging espesyal nang dahil sa iyo.

Malambing ang dampi ng mamasa-masang hangin
Mas makinang ang kislap ng mga nakabiting bituin
Nasa tono ang himig ng koro ng mga kuliglig
Mayayabong na puno ay nagyayabang, matikas ang tindig
Malamyos ang tilamsik ng alon sa pisngi ng mabatong aplaya
Kumakaway ang makukulay na gumamela’t bougainvilla
Magaan ang nakalutang na pumpon ng ulap sa alapaap
Masigasig ang pintig ng ilaw ng maiilap na alitaptap
Banayad ang lipad ng mga ibong nakikipaglaro sa amihan
Habang magkaulayaw ang buwan at ang araw sa kanluran.

Ordinayo lang naman dapat
ang lahat ng petsa sa kalendaryo.
Pero nung dumating ka,
noong bumalik ka,
nadagdagan ang dahilan ng paggising ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s