The Missing Ink (or the lost art of keeping a notebook and writing longhand)

Marami sa inyo ang hindi siguro nakarinig o nakabasa ng balita tungkol dito:

Snap 2019-02-21 at 15.53.58

Mga bagong tuklas na pahina ng mayamang kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay mga sinaunang sulatin na nahukay sa bahay ni Rizal sa Calamba, Laguna. Mga pahina ng talaarawan o diary ng ating pambansang bayani na ngayon lamang natagpuan.

Ayon sa mga eksperto, naglalaman ito ng mga kwento ukol sa pagtuli kay Rizal, sa kanyang first crush na hindi pinangalanan, at ng ilang salaysay na nagpapakitag dumanas rin ng Oedipus complex ang batang si Pepe. Maging ang kwento ng pagtatapon ng tsinelas sa lawa ng Laguna ay mababasa rin sa mga pahinang ito.

Matapos pag-aralan ng mga historian, ang mga papel na ito ay nabigyan ng beripikasyon mula sa National Historical Institute at ngayon ay nakaplanong ilagak sa National Museum.

Sino sa inyo ang nakabasa ng balitang ito? Wala? Mabuti naman. Dahil lahat ng sinabi ko ay fake news.

Snap 2019-02-21 at 15.54.17

Ang mga pahinang ito ay bahagi ng aking mga notebook. Sa mga notebook na ito isinilang ang mga naisulat kong dula, tula, maikling kuwento, blog entries, lecture, script sa TV at pelikula, at marami pang iba.

Sino sa inyo ang may diary? Kailan kayo huling nagpadala ng hand-written letter? Yung nasa stationary na mabango? Sino sa inyo ang nagpasa ng reaction paper o thesis na nakasulat-kamay? Wala? May computer at laptop na kasi, ano?

Bilang isang manunulat, isa ito sa nakikita kong kakulangan sa kasalukuyang henerasyon. Bihira na ang gumagamit ng papel o notebook at panulat sa pagkatha.

Snap 2019-02-21 at 15.54.34

Noon, tila nakikipagsayaw ang kamay at ballpen sa papel kapag nagsusulat. Ngayon, pindot na lang tayo nang pindot. Parang calculator. Mayroon na kasing laptop, iPad, Microsoft Word, Notepad, atbp. We are living in the era of speed and connection kung saan ang productivity ay nakabase hindi sa creativity kundi sa sa mbps. We always hurry to communicate, that is why we do shortcuts.

Noon, nagyayabangan pa kami ng notebook. Ikaw ang cool kapag si Judy Ann o si Jolina o si John Lloyd ang cover ng notebook mo. Ngayon, old school na ang paggamit ng scratch paper. Dapat diretso type na para diretso print, diretso post.

Ang hindi naiintindihan ng marami, may kapangyarihan ang pisikal na pagsulat sa papel. Dahil sa convenience na inaalok ng teknolohiya, nalilimutan nating i-apply ang inaral natin nung pre-school hanggang Grade 1 — ang pagsulat sa papel gamit ang ink ng ballpen o lead ng lapis.

This pressing concern is not just for creative writers. Dahil lahat tayo, minsan sa buhay natin, may gusto o kailangang isulat. At ngayon sa panahon na bawat isa sa atin ay makokonsider na writer dahil sa araw-araw o oras-oras nating pagpopost ng status at tweet, mainam na balikan kung paano binago ng tradisyunal na paraan ng pagsusulat ang mundo. Let me show you that not everything that modernizes promotes quality.

Noon, at hanggan ngayon sa kaso ko, most people make a draft before writing the actual content to make sure that the right thoughts come across. Hindi naman ako ang unang tao sa mundo na may koleksyon ng notebook.

Si Charles Darwin, mayroong lampas sampung notebook na naglalaman ng observations at concepts niya tungkol sa zoology, botany, archeology, at linguistics. May listahan rin siya ng mga librong gusto nyang basahin. Sa mga notebook niya isinilang ang theory of evolution and natural selection.

Snap 2019-02-21 at 15.54.50

Si Ludwig van Beethoven, may mga musical sketchbook kung saan isinilang ang ang kanyang mga dakilang komposisyon.

Snap 2019-02-21 at 15.55.09

Si Leonardo da Vinci, the most curious man who ever lived, may mga notebook din kung saan nakasulat ang kanyang to-do list at ang mga blueprint ng isang flying machine at isang submarine protoype. Kaliwete raw si da Vinci kaya mas madali sa kanya magsulat from right to left. Ilan sa mga notes niya ay mababasa lang kapag itinapat sa salamin.

Snap 2019-02-21 at 15.55.25

Si Thomas Edison, the most prolific inventor in American history. Ilan sa kanyang mga imbensyon gaya ng electrical piano at ink for the blind ay nakatala sa kanyang notebook.

Snap 2019-02-21 at 15.55.46

Si Mark Twain, isang manunulat, nakaipon ng apatnapu hanggang limampung pocket notebooks sa 4 na dekada. Sa mga ito isinilang ang kanyang mga obra.

Snap 2019-02-21 at 15.56.02

At si Anne Frank na nagmamay-ari ng ekstraordinaryong diary na naglalaman ng kanyang mga karanasan noong panahon ng Holocaust.

Snap 2019-02-21 at 15.56.14

I wonder… alam kaya nila na ilang salinlahi pa ang magbabasa, mag-aaral, at matututo sa mga bagay na isinulat nila sa kani-kanilang notebook? Siguro, oo. AT malamang din na hindi.

Snap 2019-02-21 at 15.56.32

Ang punto ko, tulad ng sa kanila, maaaring ang notebook na nasa bag mo ngayon o ‘yung notebook na tamad na tamad kang dalhin ay may nilalaman na magpapabago sa mundo mo at sa mundo ng mga tao.

Ngayon, tumbukin natin ang mga dahilan kung bakit mahalagang balikan natin ang pagsulat gamit ang notebook at ballpen.

Una, notebook ang pinakaligtas na lugar para magsulat. Sa notebook mo, walang censorship, walang judgment. Walang red lines na lalabas kapag may wrong grammar o misspelled words. Walang formatting na kailangang sundin. Walang nagbiblink na cursor na namemressure sa’yong mag-type. Sabi nga ni Anne Frank, paper is patient. Sa notebook mo, pwede kang maghubad. This is where you struggle to understand yourself and the world around you.

Ikalawa, ang notebook ay pribadong lugar para itanim at palaguin ang ideya. Palaging nandyan ang notebook para sa alanganing oras ng pagbisita ng iyong creative muse. Very accessible when you have an epiphany or flashes of brilliance. Halimabawa:

Snap 2019-02-21 at 15.56.50

Ang notebook kong ito ay naglalaman ng mga ideya na nais isulat. Sa “PITLAG” nakalista ang ilang mga kaisipan na gusto kong gawan ng kuwento o ng tula. Sa isang bus ticket, minsan kong naisulat ang germ ng isang dula na hindi ko pa nailuluwal.

What exists on our minds is formless, only when it has a physical permanence can we build upon it. By making a note of something that strikes you, you separate it from the stream of impressions that crowd across the mental eye. They maybe useless right now, but could be valuable a week or two down the line.

Ikatlo, ang notebook ay diskoneksyon sa technology at sa iba pang bagay na hindi mahalaga. Aminin mo man o hindi, kapag nasa harap ka ng laptop o computer, there’s always a tempatation to stop… to check grammar, to check synonyms, to check your email and facebook, and twitter, and Instagram. Kapag nagsusulat ka sa papel, nakatutok ka. Dumadaloy ang ideya mula sa isip o sa puso, papunta sa kamay, hanggang sa mailapat sa papel.

Writing by hand offers many benefits to mind, body and soul that typing on a keyboard simply does not.

Literally and figuratively, ipinapanganak ang mga salita sa pamamagitan ng pagsulat. When you’re writing words on paper, you’re giving them their private place in reality. Kaya crucial ang physical process ng pagsulat. Kapag nagluluwal ka, you engage your full being. It accesses a different part of your being allowing your creative self to flow onto the page.

Snap 2019-02-21 at 15.57.15

Sinesemento rin ng nakasulat na salita ang mga ideya. At kapag nagsisimento ka, hindi pwedeng nagmamadali. Writing longhand slows you down and offers chance to reflect as you write.

Mahalaga ring bigyang diin na inihihiwalay ng pagsulat ang isang ideya sa marami pang bagay sa isip ng tao. Malikot ang utak natin. Patalun-talon. Palipat-lipat. Mailap ang mga ideya pero madali itong maikukulong sa papel. Si Mark Twain, may listahan ng potential name ng kanyang mga characters. Newton had a list of questions he wanted to answer.

Snap 2019-02-21 at 15.57.33

Isa siguro sa pinakagusto ko tungkol sa nakasulat na mga salita ay ang pagiging permanente ng mga ito. Sabi ko nga, nakasimento. Pwede mong i-strike through o lagyan ng ekis pero hindi mawawala. It is laborious, yes. But labor has virtue.

Mahalaga sa pagkatha na pisikal na nakikita ang pagbuo, pasira, at muling pagbuo ng anumang proyekto (kuwento, tula, lyrics ng kanta, thesis, atbp.). Sa papel mo makikita ang ganitong pakikipagbuno. Pag-eedit mo sa sarili. Pagkikinis. Paglelet go sa mga minahal mong sentence o line na hindi mo naman pala kailangan.

Snap 2019-02-21 at 15.57.52

Also, writing in cursive teaches us about relationships, kung paanong ang pagkakakabit ng M sa A at ng A sa L at ng L sa isa pang A, at ng A sa Y, at ng Y sa isa pang A ay makabubuo ng napakandang salita na kapag binasa mo ay MALAYA.

Hindi katulad ng sarili mong penmanship, typed words on a page have no character. Hindi unique. Hindi ikaw. Isa ka lamang sa libu-libong tao na ang katauhan ay nakakahon sa Tahoma, Calibri, Garamond, at Times New Roman font size 12, doubled space, 1.5 inch margin on all sides.

Paano ka magiging iba? Buhayin at ipagpatuloy ang sining ng pagsulat na hindi umaasa sa teknolohiya.

Ang notebook na mayroon ka ay may nilalaman na posibleng mahalagang ambag sa mundo at lipunan; Harry Potter makes us read; notebooks are like cups quietly and constantly being filled. Know how to tip them over and let the marvelous stuff out; baka nasa notebook mo na ang draft ng novel na gigising sa kamalayan gaya ng Silent Spring ni Rachel Carson o Noli at Fili, ang hindi pa tapos na tula o kanta magsisimula ng rebolusyon, ang blueprint ng isang imbensyon na pipigil sa climate change.

My notebooks are are my blueprints. I hope you start collecting your own too. Because the written word has the power to generate ideas, inspire revolutions, and change the way we view ourselves and our place in history. I implore you to find the missing ink. Because it matters to your future development, our future development, and perhaps to the future of our humanity too.

____________

Narito ang video ng aking TEDx UPLB Talk noong 2018:

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s