“Hanggang Isang Araw”: Si Stripe ay Si Pilya, Si Yellow ay Si Dilaw

55621019_266627910940048_8110812620556075008_n

Hindi ko lubos na naunawaan ang “Hope for the Flowers” ni Trina Paulus noong unang beses ko itong mabasa. Taong 2011 iyon, iniregalo ng isang malapit na kaibigan ang libro bilang pamamaalam. Ilang taon ang lumipas, muli kong binuklat ang mga pahina ng aklat. At sa ikalawang pagkakataon, sa edad na naranasan ko na ang buhay-empleyado, napagtanto ko kung gaano kahusay na naisulat ni Paulus ang unibersal na nasa ng tao na alamin o matagpuan ang “higit pa rito” sa pamamagitan ng isang kuwento na animo’y pambata. Mula noon ay ninais ko nang maisalin ang istorya nina Stripe at Yellow sa isang dula. Hanggang isang araw…

56350765_2160205767365989_5449842418021040128_n

Kalaghatian ng 2018, inanyayahan ako ni Mark Mirando na isulat ang libretto ng bersiyong musikal ng “Hope for the Flowers” para sa thesis production nina Miah Canton at Alexandra Turingan. Walang pag-aatubili akong umoo. Katuparan na ito ng isang pangako. Malaking bagay rin para sa akin na si Fitz Bitana ang lilikha ng mga awit at musika. Pangalawang kolaborasyon na namin ito ni Mark (“Liham sa Ama” ang una), samantalang pangatlo naman namin ni Fitz (“Sylvia Q.” ang una at “Pilipinas Kong Mahal With All the Overcoat” ang ikalawa).

hanggang isang araw

56173283_2160208504032382_7015358100492255232_n

Malinaw sa akin kung paano ko gustong i-adapt ang kuwento. Nais kong isalin sa entablado ang kaluluwa ng isang illustrated story na sa unang tingin ay aakalain mong kuwentong pambata. Ang elemento ng nagtutunggali-nag-aagapayan na pantasya at realidad, at ang maselang balanse ng drama at kwentong kamangha-mangha. Nais ko ring maging tapat sa banghay ng orihinal na materyal ngunit may langkap mula sa sarili kong paghaharaya. Syempre pa, nais kong palutangin ang sa tingin ko ay pinakapuso ng kuwento nina Stripe at Yellow — ang tila walang hanggang lunggati na maabot ang inaakala nating rurok at tanging kahulugan ng ating pag-iral at sa kalauna’y ang pagtuklas natin sa kung ano ang tunay na mahalaga at pagkilala sa tunay nating silbi at katauhan.

55897175_2160206337365932_8833849074684788736_n

Sa pagbubukas ng tabing, nasa mga manonood na ang pagtitimbang at paghuhusga kung nagtagumpay ba ako (kami) sa aking (aming) layon. Bilang mandudula, hangad ko lamang na sindihan ang mitsa ng isang rebolusyon na pinaniniwalaan din ni Paulus. Na tayo’y mga gusanong palaging may agam-agam sa pagbabago. Kaya’t palagi rin nating nakakaligtaan na tadhana nating tubuan ng mga pakpak at lumipad. Nasa atin na kung pipiliin nating gumapang, gumulong, at matapakan.

56410067_2160204894032743_4633096292958994432_n

55641878_2160204830699416_3323158480591781888_n

Matapos tuparin ang pangakong binitawan ilang taon na ang nakakaraan, isang bagong pangako sa sarili ang aking panghahawakan. Hindi ito ang una’t huling paglipad nina Pilya at Dilaw. Sa ngayon, ito marahil ang hinihintay nating wakas. Ngunit mas wastong isipin — mas gusto kong isipin — na ito pa lamang ang simula ng mas makulay na bukas.

55744615_2160205977365968_7766421548394610688_n

Basahin ang review ng dulang ito ni G. Arturo Hilado ng Philippine Daily Inquirer sa link na ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s