Ang Isang Bagay sa Mundo na Nananatiling Hindi Makinal

56659878_10157543407741015_3169919407589687296_n

Ikatlong taon ko na sa pagsusulat ng dula para sa mga thesis production ng UP Dulaang Laboratoryo. At kabaliwan nga sigurong maituturing na ngayong 2019, tatlong dula ang tinaggap ko para isalin. Nauna na ang “Hanggang Isang Araw”, adaptasyon ng “Hope for the Flowers” ni Trina Paulus. Sa susunod na buwan ay ipapalabas naman ang “Alembong” na halaw sa “Miss Julie” ni August Strindberg. At ngayon, ang inihahandog namin sa inyo ay ang “Makinal”, adaptasyon ng “Machinal” ni Sophie Treadwell.

56213755_965682696961256_5714138809742917632_n

Narito ang ilan sa mahahalagang tala ukol sa pagbabagong-bihis ng dula:

1. Ang orihinal na dula ay halaw sa tunay na kuwento ni Ruth Snyder, ang unang babaeng binitay sa New York mula nang maipatupad ang electrocution noong 1899. Upang mas mapasok ko ang psyche ng tauhang si Helen, kinailangan kong magbasa ng ilang accounts ukol sa mga tulad ni Snyder na nagawang paslangin ang kanilang asawa o mangingibig. Ilan sa kanila ay sina Evelyn Dick, Mary Elizabeth Wilson, Betty Lou Beets, Katherine Knight, Betty Neumar, Stacy Castor, at Chisako Kakehi.

57059791_2182041988515700_4911038409960587264_n

2. Kasibulan ng 1920 ang orihinal na lunan ng dula. Sa pagsasalin, nagpasya akong huwag itong baguhin upang ipakita na makalipas ang halos isandaang taon, kargado pa rin ang dula ni Treadwell ng mabibigat na katotohanan patungkol sa lagay ng hustisya at mga kababaihan sa ating lipunan. Naging sagwil sa disenyo at lapit ng produksyon ang orihinal na lunan kaya’t napagdesisyunan na ilipat ito sa Dekada sisenta hanggang sitenta kung kailan ang Pilipinas ay dumanas rin ng dahas na hindi kailanman dapat limutin. Ang pasyang ito ay nagbigay pa ng panibagong kulay at saysay sa adaptasyon.

56862397_2182042171849015_3210411057881284608_n

56883516_2182042385182327_3372432815017689088_n

3. Bilang mandudula, tinuntungan ko hindi lang ang mga usaping pang-kababaihan kundi maging ang pagtalakay sa maselang usapin ng bitay. Interesanteng banggitin na dalawang bansa lamang sa buong mundo ang gumamit ng silya-elektrika — ang Estados Unidos at ang Pilipinas. Nilayon kong palutangin ito dahil sa kasalukuyang debate sa ating bansa kung dapat bang ibalik ang bitay. Noong 2016, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang i-reimpose ang death penalty para sa kanyang kampanya kontra droga. At ayon sa pag-aaral ng Social Weather Stations at ng Commission on Human Rights na inilabas noong October 2018, halos anim sa sampung Filipino ang sumasang-ayon na ipataw ang death penalty para sa mga heinous crime.

56911277_2182042455182320_8380108143757099008_n

makinal

4. Sa proseso ng pagsasalin, nagsilbing ningas sa akin ang ngitngit at poot sa pambabalahura ng kasalukuyang pamahalaan ng bansa sa mga kababaihan. Palagi nating alalahanin ang mga pahayag na ito:

“In the street language, when you have children and you are single, ang tawag do’n ay na-ano lang.”

“Tutal ano naman ang biyahe natin sa buhay nating dalawa? Sunduin kita doon sa boarding house mo, pasok tayo ng motel, short time lang naman.”

“Tingin ako sa langit, sabi ko, ‘Lord sana ‘yung mga pangit lang ang namatay na. Ang magaganda huwag sana. Sabi ni Lord, ‘Okay lang.”

“Kasi si Ma’am Leni, medyo shorter than usual ‘yung damit na ano gano’n. Gusto ko sabihin, ‘Ma’am, mag-shorts ka na lang kaya?”

“Sa malayo, maganda, exotic eh. ‘Di mo nakikita pero paglapit mo, queer na ang amoy. No, no, no, no, no. Balik tayo sa kwarto…Faithful ako sa Filipina. Marami lang sila pero faithful ako. ‘Di naman kailangan isa lang. Basta faithful ako sa Filipina. Mabango eh.”

“The come-on is that if you die a martyr, you go to heaven with 42 virgins waiting for you. If I could just make it a come-on also for those who’d like to go to my country.”

“Tiningnan ko yung mukha, ‘tangina parang artista sa Amerika na maganda. Putangina, sayang ito. Ang nagpasok sa isip ko, nirape nila, pinagpilahan nila doon. Nagalit ako kasi nirape, oo isa rin ‘yun . Pero napakaganda, dapat ang mayor muna ang mauna. Sayang.”

56753126_2182041925182373_5442753467124809728_n

5. Naging malaking hamon sa akin ang pag-unawa ng wikang ginamit ni Treadwell lalo pa’t ang dula ay isinulat noong 1920’s. Sa tulong ng Google at ni Drew Espenocilla, mas naintindihan ko ang ilang bahagi ng dula at naiakma ang konteksto ng mga dayalogo. Naging malaking tulong rin ang dramaturhiya ni Fitz Bitana sa pag-aangkop ng salin sa napiling lunan ng pagtatanghal.

56911277_2182042455182320_8380108143757099008_n

Nais kong pasalamatan si Nour Hooshmand (director) sa pagtitiwala na maisasalin ko sa Filipino ang dula ni Treadwell. Hanga ako sa tapang at husay mo na itanghal ang ganitong klase ng materyal. Nais ko ring bigyang pugay ang matatalas at matatalinong mga aktor na nagbigay buhay sa aking salin. At sa lahat ng bahagi ng kolaborasyong ito, maalab na pagbati. Kung may isang bagay man sa mundo na nananatiling hindi makinal, iyon ay ating sining.

56800709_2182042261849006_5590974274568454144_n

Basahin ang review ng dulang ito ni G. Vincen Gregory Yu ng Philippine Daily Inquirer sa link na ito.

2 thoughts on “Ang Isang Bagay sa Mundo na Nananatiling Hindi Makinal

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s