Pasasalamat sa Lahat ng Alembong

59998428_988277461368446_5658369303649452032_n

Himala sigurong maituturing na naisulat ko ang tatlong dula para sa thesis festival ng UP Dulaang Laboratoryo sa loob ng humigit kumulang tatlong buwan. Dinaig nito ang sarili kong thesis noong college na naglalaman ng 60 tula. Pwede kong sabihin na napasubo ako sa pag-oo sa tatlong proyekto. Ngunit mas gusto kong isipin na sinubok ko ang sarili sa pagluluwal ng “Hanggang Isang Araw”, “Makinal”, at “Alembong”. Salamat at hindi naubos ang tinta ng aking panulat.

60434902_1530071983796411_6295362268460744704_n

Batid kong mas wasto na mangusap ako ngayon ukol sa mahahalagang tala/notes ng isang mandudula sa paghahalaw sa Filipino ng dulang “Miss Julie” ni August Strindberg. Ngunit hayaan ninyo na lamang akong magpasalamat sa mga taong naging katuwang ko sa pagsusulat. Para bang acknowledgement page na rin sa sarili kong thesis.

60349240_1530074753796134_4871801091982884864_n

Maraming salamat kay/kina…

Rainbow Gutierrez, sa pag-anyaya sa akin na isulat ang salin/adaptasyon. Hindi man natuloy ang pagganap mo bilang Miss Julie, alam kong muli tayong magtatabo sa iba pang produksyon. Salamat dahil ikaw ang naging mitsa ng proyektong ito.

Drew Espenocilla, sa walang sawa at walang pagod na pagtulong sa akin sa mga sandaling hindi ko na nauunawaan ang binabasa o sinusulat ko. Kagaya ng dalawang naunang dula, malaki ang kontribusyon mo sa paghimay at muling paghaharaya sa orihinal na teksto.

60463053_1530112237125719_6287914460162031616_n

Jan Erwin Reyes, sa bukas-palad mong pagsagot sa mga tanong ko ukol sa iyong bayan, ang Obando, na siyang naging lunan ng dula. Bagaman sa chat lang tayo nagkausap, naging mas malinaw sa akin ang aking bisyon dahil sa mga nakalap kong impormasyon buhat sa’yo. Ipinagmamalaki kong makatrabaho ang isang kapwa Bulakenyo.

Valerie Sevidal, sa walang pagdadalawang-isip na punan ang Spanish translation ng ilan sa mga linya sa dula. Sinong mag-aakala na sa pagsulat ko ng dula ay muli tayong makakatrabaho?

60770979_1530085957128347_3618732061113712640_n

Gio Potes, sa pagbibigay ng dramaturgical sources na naging sandigan ng adaptasyon at sa pagbabahagi ng kritisismo sa unang burador ng dula.

G. Dennis Marasigan, sa masigasig na paggabay sa mg aktor sa hindi iisang beses na script analysis. Salamat din po sa mumunting payo na napulot (o hiningi) ko sa inyo. Suryal na ang dating idolo ay siya na mismong nag-aanalisa ng akdang sinulat ko.

60499044_1530073927129550_8897804006760382464_n

Joshua Valenzona, sa pagtitiwala na may maiaambag ako sa iyong pagtatapos. Hiling ko na hindi kita nabigo. Malugod na pagbati sa tagumpay ng iyong thesis.

Mara Marasigan, sa pagtulong sa akin na mas mabuo ang katauhan ng mga tauhan at pagbibigay puna na mas magpapatibay sa dula. Ikalawang kolaborasyon na natin. Ano pa bang kabaliwan ang sunod nating gagawin? At kay Nicolo Magno, sa pagiging katuwang ni Mara sa pagdidirehe ng isang mapanghamong dula.

60340465_1530096960460580_7999110494101176320_n

Chase Salazar, sa walang pag-aatubiling pagtanggap ng hamin na gampanan ang pangunahing tauhan. Ito ang testimonya na kapag mahal ka, ikaw mismo ang hahabulin kahit pa magpasya kang tumalikod at tumakbo. Hindi magmamaliw ang paghanga ko sa’yo.

60334440_1530077510462525_6559597212085518336_n

Prof. Banaue Miclat-Janssen at Prof. Dexter Santos, sa pagkakataon na ipagkatiwala sa akin ang mga materyal ng inyong mga estudyante. Pang-anim na dula ko na sa Dulaang Lab, salamat at hindi kayo nadadala. Malaking bagay sa akin na maging bahagi ng pagtatanghal ng mga dulang mapanganib, mapangahas, at makabuluhan.

60654943_1530107437126199_7830801145361596416_n

Nakatutuwang isipi na ang huling gabi ng ating palabas ay tumapat sa mismong petsa ng kaganapan ng dula. Mayo 19, gabi ng kapistahan ng Birhen de Salambaw sa Obando. Gusto kong isipin na ito ay basbas sa ating lahat, lalo’t higit sa mga manonood.

60360878_1530117453791864_5423611699829669888_n

Basahin ang review ng dulang ito ni Emil Hofileña ng Philippine Daily Inquirer sa link na ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s