2020 Gratitude List

Sabi nila, year of clarity raw ang 2020. Perfect vision. Sa tingin ko, tama sila. Dahil sa taong ito, dahil sa pandemya at mga delubyo, naging malinaw para sa marami sa atin kung ano-ano at sino-sino ang tunay na mahalaga.

kuha ni Drew Espenocilla sa Evangelista

Hindi maikakailang bangungot na maituturing ang 2020. Pero sa kabila ng lahat ng dilim at takot, maraming bagay ang nais kong ipagpasalamat. 

  1. Natutong magsulat ng baybayin.
  2. Nasimulan ang proyekto na matagal nang gustong gawin.
  3. Natulungan sa pagnenegosyo sina Ate Pupot at Chin-Chin.
  4. Naipagpatuloy ang pagpapagawa ng bahay.
  5. Nakakain ng masarap na embutido, lumpia, kuchay, at tinapay.
  6. Nakapagluto ng kung anu-anong putahe ng gulay.
  7. Nakapag-raise ng funds para sa mga papel na gagamitin sa online class modules.
  8. Nakapagbigay ng talk sa mga guro at sa mga estudyante ng UP Baguio, La Salle, Benilde, at Kalibo Elementary School.
  9. Nakapagpalipad ulit ng saranggola.
  10. Naregaluhan ang sarili ng bloodstone mala.
  11. Nakapaggala sa Baloy Beach, Gapan, Angeles, Intramuros, Escolta, Legazpi, at Naga.
  12. Nakapagpasa ng ilang akda para sa iba’t ibang antolohiya.
  13. Naipalabas online ang mga naisulat na dula.
  14. Nakakuha ng full time job sa gitna ng pandemya.
  15. Nainterview ni Sandra Aguinaldo para sa I-Witness.
  16. Nakibahagi sa Playwrights’ Fair ng Virgin Labfest.
  17. Nalampasan ang bagyong Ulysses.
  18. Nakapagpakulot!
  19. Nakapanood ng maraming sunrise at sunset.
  20. Nakatanggap ng imbitasyon na mag-aral ulit.
  21. Natuklasan ang kapangyarihan ng pagme-meditate.
  22. Nakapaghost ng online quiz show kasama ang mga kaibigan.
  23. Nakapagbawas ng timbang.
  24. Nakapag-stay si Drew sa Bulacan ng halos apat na buwan.
  25. Nakapag-donate ng mga libro.
  26. Nagkamit ng pagkilala sa Gawad Buhay at Aliw Awards.
  27. Nakapaglaan ng dalawang araw para sa energy work.
  28. Nakapaghalaman nang maraming beses.
  29. Nakapagsulat para sa dalawang serye ng TV5.
  30. Nabulaga ng meteor shower.
  31. Nasimulan ang matagal nang pinaplanong playwriting workshops.
  32. Nakapaglakwatsa para sa 31st birthday.
  33. Nakapagshoot ng pelikula sa unang pagkakataon.
  34. Nakapag-stay sa Hagonoy nang matagal matapos ang labinlimang taon.
portrait na gawa ni Reena Medina

Walang makatitiyak kung ano ang naghihintay sa atin sa 2021. Pero bukas, gigising tayo mula sa isang mahabang bangungot. Pagmulat natin, magsisimula ulit tayong managinip.

3 thoughts on “2020 Gratitude List

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s